KABANATA 41

62 4 0
                                    

Dana


Nahinto naman siya sa paglalakad pagkatapos ay lumingon sa direksyon ko. Dahil sa bilis ng pagtakbo ko ay hingal na hingal ako nang tumigil sa harap niya.


Taena, ang layo ng itinakbo ko! Grabe sa lapad ng corridor ng mansion nila, partida nasa right wing pa lang kami nito ha!


"May kailangan ka?" Diretsahang tanong niya. Wala nang intro-intro o kahit simpleng pangangamusta lang sa'kin.


Umayos ako ng tayo, hindi inaalis ang tingin ko sakanya. Ang tapang-tapang ko ata ngayon dahil nakakaya kong titigan si Miguel nang ganito kalapit. Mata sa mata. Pero kahit siya syempre kailan pa ba nagpatalo ang isang Miguel Samson? Pati siya nakatingin din sa'kin. Wala sa'ming dalawa ang sumusubok na umiwas.


Ano na, Dana Martin? Matapos mo siyang tawagin at lapitan, ano na? Ano na ang sasabihin mo? Don't tell me, tameme ka na naman?


"If you have nothing to say, mauuna na ako. I have lots of things to take care of--" Akmang liliko si Miguel nang harangan ko siya. Humakbang siya pakanan, pero hinarangan ko ulit siya. Pumakaliwa siya pero ganon pa din ang ginawa ko. Para tuloy kaming tanga na nagpapatintero dito.


Nagsalubong ang kilay niya, "Anong problema mo?" Aniya.


Ikinuyom ko ang kamao ko. Ewan ko ba at parang may natrigger sa'kin dahil sa sinabi niya. Lahat ng inis, tampo, lungkot, at kung ano pang mga emosyong naramdaman ko these past few weeks ay kumawala na mula sa pagcocontain ko ng mga ito sa loob ng mahabang panahon.


"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ano Miguel? 'Yun na 'yun? Pa free trial card ba lahat ng 'yun? Ba't 'di ata ako na-inform?" 'Di ko na napigilang maibulalas.


Grabe, ang frustration na nararamdaman ko ngayon? Mas malala pa kaysa sa naranasan ko noong una akong napadpad dito at iniwan ng ex ko!


"Ano, PR stunt ba 'yung paligaw-ligaw effect mo? Aba kung alam ko lang na ganito edi sana kumerengkeng na lang ako kina Armani! Ano ba naman yan, sinubside mo lang ang pagiging maharot ko, for what?! Naging loyal ako sa manliligaw ko, for what?! Para ma ignore? Meganon?" Dagdag ko pa, unti-unti nang parang may bumabara na matigas sa lalamunan ko. Ang hirap lumunok.


Ilang beses akong kumurap para lang 'di matuloy ang grand entrance ng pawaterfalls sa mga mata ko. Ayaw kong umiyak at 'di ko ugali ang umiyak pero, sa umaapaw na frustration at kalituhan ko ngayon? Taena para na akong mababaliw!


Lagi na lang malalim ang iniisip ko dahil sa Miguel na yan. Para akong tanga na isip nang isip, hula nang hula sa kung sino ba talaga siya, o ano ang pakay niya sa'kin. Kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya, kung ano ba ang dahilan kung bakit bigla siyang nagbago. Nakakalunod! Marunong naman akong magswimming kahit papaano pero parang malulunod na ako sa lalim ng iniisip ko! 'Di na 'to keri ng kahit salbabida!


Agresibo kong ginulo ang buhok ko dahil sa inis at pagkatapos ay huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Para na akong tanga dito na nagwawala sa harap ni Miguel samantalang siya eh, nakatingin lang sa'kin. Ni walang kaemo-emosyon.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon