Dana
Nilagpasan na ako ni Miguel habang buhat-buhat niya si Frey. Sinundan lang sila ng mga mata ko habang papalayo sila sa'kin.
"Dan! Ano pang ginagawa mo diyan?" Napatingin ako kay Keisha at Armani na tumigil na rin sa paglalakad habang nakalingon sa'kin.
Ah, right. Ba't ba ako nanatili dito sa kinatatayuan ko? Natulala lang ako sa dalawa habang pababa sila.
Ano ba yan, ba't nabubwiset ako?
Mabilis akong humabol kina Keisha at Armani. Nanatiling nasa harap namin sina Miguel at Frey.
"Miguel, pwede mo namana akong ibaba. Kaya ko naman sigurong maglakad."
"Babagal tayo pag hinayaan ka naming maglakad na ganyan ang paa mo."
Mukhang medyo naiilangan si Frey sa pagbuhat ni Miguel. Sino ba namang hindi?
Malamang nasa isip niyan eh ang pinakamamahal niyang si Devon. Naku, paano kaya kung picture-an ko 'tong dalawa at isend sa boypren niya? Charot lang hindi ko kayang gawin 'yun. Besides, hindi naman sinadya ni Frey na matapilok. Kasalanan talaga yan ng hinayupak na Miguel na yan.
Tama, tama. Ganyan dapat tayo mag-isip. Dapat full of understanding. 'Diba? 'Diba?
Inabot pa kami ng ilang minuto sa paglalakad. Parang nawala bigla yung pagod na iniindi ko kanina.
Nakatuon lang talaga ang atensyon ko sa dalawang tao na nasa harap ko.
"Malapit na tayo." Ani Armani.
Nakaramdam naman ako ng relief kahit papaano.
Ilang hakbang pa ang ginugol namin hanggang sa unti-unting bumungad sa'kin ang isa sa pinakamagandang view na nakita ko sa tanang-buhay ko.
Mas maganda pa 'to sa Alalum Falls sa Sumilao.
"Gorgeous, right?" Binalingan ko si Armani na nakangiti habang nakatingin sa falls.
Pinagmamasdan ko si Armani na medyo pawisin pero apaka erpa pa din. Pwede bang sabihin na mas gorgeous siya tingnan ngayon kesa sa falls na nasa harap namin? Pero malamang hindi ko sasabihin 'yon. Kaya tumango na lang ako at sumang-ayon sakanya na ang gorgeous ng falls kahit na para sa'kin mas lamang siya. Char!
"Aray aray aray naman. Ba't mo ako biglang binaba." Napatingin ako sa harap at nakita kong nakakapit si Frey sa railings sa pinakahuling step ng hagdan.
Nakita ko rin si Miguel na naglalakad na parang walang may narinig papunta sa may cemented na table.
Ano ba naman yan. Ba't 'di na lang inalalayan papunta roon?
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
