Dana
Muling sumikip ang dibdib ko at lumalabo na naman ang paningin ko habang nakatingin pa rin sakanya.
"Miguel..."
Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa'kin. Sa bawat hakbang niya palapit, bawat hakbang ko ring palayo ang sumasabay sakanya. Hindi ko alam ang gagawin.
Bakit? Bakit nakikita ko siya ngayon? Nananaginip ba ako nang gising? Baka naman nadrugs na ako kagabi nila Frey na 'di ko alam kaya kung ano-ano na ang nakikita ko ngayon?
Pero hindi eh. Hindi naman siguro sasakit ang dibdib ko sa impact kanina lalo na at 'di naman kalakihan ang dibdib ko in the first place kung panaginip nga'to.
"Dana--"
"'Wag! 'Wag..." 'Di ko na nacontrol ang sarili ko sa pagsasalita. Hindi ko alam kung ginusto ko bang sabihin 'yun o baka dahil nabigla lang ako at 'di ko alam kung ano ang irereact ngayong nandito na sa harapan ko ang lalaking gustong-gusto kong makita.
Natigil naman siya sa paglalakad at tumungo. Kahit na 'di ako malapit sakanya ay kitang-kita ko pa rin ang panginginig ng labi niya, hanggang sa 'di na niya ata nakayanan kaya kinagat niya na ito.
"Twenty-one years of my life. It's been twenty-one years since I first opened my eyes, not giving happiness but affliction to my family especially my Mom... It's..." Natigil siya sa pagsasalita at parang mahirap na lumunok. 'Di ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatungo siya. Nakatulala lang ako sakanya, habang ramdam ko naman ang pag-alalay ni AJ sa'kin. Kahit si AJ, nanatiling tahimik.
Mukhang katulad ko, naghihintay din siya sa sasabihin ni Miguel.
"It's been more than a decade, Dan... When I started going all out with the treatments, therapy sessions, medications. It's been more than a decade ever since I knew that I was not considered normal by the people around me."
"I can't even go to school without overthinking. Without my classmates criticizing me for being what I am. It's not only that. I felt that I was a burden whenever I saw my mom's gaze. It's hard, Dan. It's hard that I have to rely on my toys and my brother whenever I seek comfort. It was even harder when he died... I felt that no one was by my side anymore... Pakiramdam ko, bigla akong nawala." His voice cracked at the last sentence.
'Yung bigat sa dibdib ko dahil sa nakikita ko ngayon, ang sakit. Ang hirap na makita ang katulad ni Miguel, eh umiiyak ngayon sa harapan ko.
Ilang beses kaya akong napatanong sa sarili ko? Kung kilala ko ba talaga si Miguel, o bakit parang wala akong kaalam-alam sa kung sino talaga siya? Na ang hirap magkagusto sa taong hindi mo mabasa ang galaw at iniisip. Sa taong parang 'di handang ipasok ka sa buhay niya.
"I am the Miguel that I am now because of the loss of my brother. Nabuo ang Miguel na kilala ng lahat, ang Miguel na namamahala ng hasyenda nang walang kahirap-hirap, ang Miguel na tumulong sa'yo at ang Miguel na una mong nakilala... All because of that loss."
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
