KABANATA 19

122 15 2
                                    

Dana


"Nga pala, Armani. Madalas ka ba rito?" Tanong ni Frey.


"Not that often. Minsan lang pag gusto kong magpalamig ng ulo or if pagod ako sa work."


"Ah, what about the maintenance? Yung naglilinis if wala ka, ganon."


"Wala. Before I go, I make sure na malinis ang lahat. Tsaka hindi naman ako makalat."


Nakikinig lang ako sa usapan nila habang kumakain. Ina-alternate ko na ang pag kain between ng potato bites at pinwheels. Tama nga yung chismis kanina ng dalawa. Bakti pa pipili kung saan mas masarap kung pwede naman both.


"Hmp, gusto kong magstay dito. Kahit isang gabi lang." Napatingin ako kay Frey na nakasandal sa couch. Halata sa mukha niya na gustong-gusto niya talaga manatili rito.


"Ako rin. Parang ang sarap maglibot dito. Atsaka may dagat, 'di ba? Parang nakita ko ata kanina sa malayo." Saad pa ni Keisha.


Oo nga no? Nakita ko kanina na ang lawak ng lugar. Parang ang sarap maglibot dito.


"Gusto niyo? Pero wala kayong dalang damit, 'di ba?"


"Naku okay lang! Pwede naman kaming umuwi nang maaga pa bukas. Hindi naman kami masyadong pinagpawisan eh."


Tumingin sa'kin ng sabay sina Armani at Miguel.


"Ikaw?" Sabay ding tanong nila.


Ha?


Napakurap ako ng ilang beses dahil sakanila. Tinatanong ba nila kung gusto ko ring magstay dito?


Tiningnan ko sila Frey at Keisha at sinesenyasan nila ako na um-oo. 


Wow, gustong-gusto talaga na manatili dito? Parang wala lang kaming project na inaatupag, ah? Pero kung iisipin naman, buo na ang project namin unexpectedly. Finalize na lang namin para makapagsimula nang magtype si Keisha sa laptop for the presentation.


Then, pwede na kaming umuwi sa Davao para makapagprepare at mabind na namin ang lahat.


Since malapit na kaming umiwi sa Davao. Siguro naman eh walang masama kung magchill muna kami kahit ng isang araw, 'di ba?


Tumango ako sa dalawa at nagthumbs up. Pumalakpak naman at tumili sila Frey sa tuwa.


"Yey! Ikot tayo mamaya!"


"Puntahan natin yung dagat. May pool din akong nakita kanina, ah. Sayang, parang ang sarap maligo."


Kinain ko na ang huling bite ng pinwheel at uminom ng juice. Grabe, busog na ako. Tumingin ako sa labas at nakitang hindi na mataas ang araw.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon