KABANATA 10

197 19 1
                                        

Dana


Huwebes na. Isang tulog na lang at babyahe na kami papuntang Sumilao.


"Dana girl excited na talaga kami..." Impit na bulong ni Frey sa'kin.


Simula noong masabi ko sakanila ang plano namin ay naging tahimik na kami sa klase. Hindi namin binabanggit ng malakas ang pagpunta namin sa Sumilao.


Taena baka mas mahalata kami nito. Lalo na 'tong si Frey. Maingay pa naman lagi 'to sa klase tas biglang tatahimik.


Nakapagpaalam na din ako kina Mama. Nung una pinangaralan niya pa ako kasi ba't sa Sumilao na naman. Baka raw iba na 'yung binabalik-balikan ko ganern. Tas bigla niyang namention si Miguel. Dios ko. Mabuti lang at nakalma siya ni Papa. Pinakausap ko rin sina Frey at Keisha sakanya kaya ayun, pumayag.


"Mamaya magdedate kami ni bebe ko. Gagawa raw muna kami ng mga alaala bago tayo aalis." Napaismid na naman ako kay Frey.


Ano 'to, anong gagawa muna ng mga alaala? Ilang taon ba kayong maghihiwalay?


"Ay kami din ni Suitor ko. Inaya niya akong magdate mamaya kasi mamimiss niya raw ako." Pabebeng saad ni Keisha.


Halos hampasin ko ng notebook ang dalawa. Punyeta paano ko naging kaibigan 'tong dalawang 'to? Ibang level ang pagiging maharot nila.


Natapos ang araw at oo nga, pagkadismissal ay naghihintay na sa labas ng room ang mga lalaki nila. Pero nagulat ako nang may sumabit.


"AJ? Ba't nandito ka rin kasama nila? Makikithirdwheel ka sakanila?" Gulat na tanong ko.


Weird akong tiningnan ni AJ at tinapunan ng tingin ang dalawang couple at natawa.


"Ako? Thirdwheel sakanila? Hahaha! Iba ang ipinunta ko rito..." Aniya.


Pasimpleng dumikit sa'kin ang dalawa kong kaibigan at patago akong kinurot at siniko.


"Punyeta kayo—"


"Ah basta Dana girl, yung bilin namin sa'yo ni Keisha ha. Good luck!" At humiwalay na naman sila sa'kin.


"Mauuna na kami ni bebe ko, ingat kayo!"


"Kami rin. Nagmamadali na kasi itong Suitor ko eh. Bye!"


At iniwan na naman kami ng apat. Ba't parang paulit-ulit na nangyayari ang senaryo na 'to? Mas mahal pa ba ng mga kaibigan ko ang mga lalaki nila kaysa sa'kin?


Ba't lagi akong iniiwan ng mga walanghiya?


"Tara?" Ani AJ. Ay oo nga pala, may kasama pala ako. Hindi pala ako nag-iisa.


Napangisi naman ako. Akala ko ay ihahatid niya ako pauwi kaya tumango ako. Pero nalito ako nang sa ibang direksyon kami pumunta.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon