KABANATA 4

194 16 2
                                    

Dana


Sinasabi ko na nga ba. Ito talaga ang isa sa mga panahon na tumatama ang intuition ko.


"Siguraduhin niyo na mahiwalay niyo ang magaganda ang kaledad sa hindi. Bilisan niyo, gagabihin kayo masyado pag-uwi mamaya pag binagalan niyo."


Nakatingin ako ngayon sa sandamakmak na mga mangga sa harap ko.


Bilisan? Anong akala niya isang basket lang ng mangga itong uubusin namin? Aabutin kami ng siyam-siyam sa dami!


Siyam kami pero ni isa walang nagreklamo, hindi ko alam kung bakit. Halata sa mga mukha ng isa't-isa na nagsisisi na sila na sumunod pa sa walanghiyang si Miguel.


Pero nakikita na lang namin ang isa't-isa na ginagawa ang pinapagawa sa'min.


Ano bang meron sa lalaking 'yon? Bakit napapasunod niya kami? Nakakainis!


Nakabusangot ako ngayon habang nilalagay sa isang malaking basket ang mga mangga na maganda at itinatabi ko naman ang mga may sira.


Nasa para kaming warehouse nila ngayon. Sakto palang harvest nila ngayon ng mangga. At dahil nga 'sayang' ang punta namin dito kung wala lang man kaming gagawin, eto ang pinagawa niya sa'min.


Bibigyan ko na ba siya ng award sa pinaka the best na magtrato ng bisita niya?


Grrr.


Biglang pumasok sa isip ko ang dalawang ektarya ng manggahan kanina. Tas inimagine ko na hinarvest ang bawat isang puno roon, at ito na 'yon. Oo, ganon kadami.


Buset ka Miguel.


Nang tumagal ay parang nawala na kami sa oras. Hindi na namin napansin ang oras at parang naaliw na kami sa ginagawa namin, nang biglang bumalik si Miguel.


"Tama na yan." Aniya. Bumalik kami sa reyalidad at doon lang namin naramdaman ang pangangalay ng katawan namin. Particularly ang leeg, tuhod at braso namin.


"Aray naman." Nag stretching kami at nagulat nang makitang naka sampung malaking basket kami.


Wow! Nagawa namin yan? Ang galing naman namin!


Ganyan nga Dana, icheer up mo sarili mo. Sayang ang pinagod niyo kung hindi mo ma-appreciate.


Matapos magstretching ay sinundan namin si Miguel pabalik sa mansyon, particularly sa right wing. Nalaman ko din na sa left wing ginagawa ang mga maliit na gatherings, mga gawaing pang-opisina at related sa negosyo. Habang sa right wing naman yung area kung saan parang normal lang na bahay. Nandito ang mga kwarto nila, kusina, living room. Basta ganon.


Nang nasa entrance pa lang kami ng mansyon ay may naamoy na akong kakaiba. Yung amoy na kahit busog ka, bigla kang magugutom.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon