Dana
"Hoy!" Gulat akong napalingon sa boses. Nakita ko si Frey na nagmamadaling naglakad papunta sa'kin. Kasunod niya ang boyfriend niya.
Namilog ang mga mata ko. Hala, nakita ba nila?
"Gaga ka! Sabi na eh, may pasobra. Kinulang ka pa sa dalawa, kaya dumagdag pa ng isa. Wow, Dana girl. Iba ka talagang bruha ka, bumawi ka talaga..." Bungad niya sa'kin paglapit niya, wala man lang good morning good morning.
"Gaga ka rin. Assuming ka, girl? Natuwa lang siguro kasi ginawan ko ng lunch kaya ginawa niya 'yon." Mabilis na depensa ko naman.
Duh, malay natin 'diba? Kasi nga 'di nakakakain ng maayos kaya ayun, natuwa kasi ginawan. Pero alam ko namang may pera siya para bumili at gumasto ng malaki para sa mas masarap na mga pagkain.
Kaya ewan ko talaga kung ba't ginawa niya 'yon. Unless totoo talaga ang kutob ng nagmamaganda kong inner self.
"May 'siguro' kasi hindi sigurado? Sus, sinasabi ko sa'yo eh. May gusto talaga si Alistair sa'yo. 'Diba, asawa ko?" Ani Frey, gusto pang panigan siya ni Devon.
"May point siya, Dan. He never kissed a girl, let alone hang out after Flexa. It's been almost a year?" Sagot ni Devon na kumuha sa atensyon naming dalawa ni Frey.
"Anong ginagawan niyo rito? May pa meeting assembly kayo nang hindi namin nalalaman?" Ani Keisha na kakarating lang din kasama malamang ang hindi ko alam kung jowa o M.U. o manliligaw niyang si Dale.
"Parang may narinig akong familiar na pangalan. Was it Flexa's?" Ani Dale kaya mas lalo akong naintriga.
"Sinong Flexa?" Naunahan akong magtanong ni Frey.
"Flexa. Flexa Laxamana ng Ateneo Blue Knights. Ex ni Alistair. If I'm not mistaken, they've been together for two years?" Ani Devon.
"Correction, dalawang buwan na lang actually it's gonna be three years na sana. I remember kami ang nanghinayang sa relasyon nila eh." Sagot pa ni Dale.
May ex pala si AJ? Akala ko katulad ng kuya niya, no girlfriend since birth siya. Pero kung aalahanin ang mga gestures niya, mukhang may experience nga talaga siya when it comes sa mga babae.
"Anong nangyari? Ba't sila naghiwalay?" Naiintriga na tanong ni Frey. Nakikinig lang ako, ganon din si Keisha.
Nagkamot si Devon ng batok niya, "I'm not really in the place to tell anyone. Mas mabuti pang si Alistair na lang ang tanungin niyo." Inakbayan ni Devon ang kaibigan ko.
"Okay. Sige na, malapit na first period namin. See you later, baby ko. Tara na mga bruha."
Habang naglalakad ay napaisip ako. Kung tanungin ko kaya si AJ? May karapatan ba ako na tanungin siya? Sasabihin niya kaya sa'kin if ever?
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
