Dana
"Ipakilala mo sa'min yang Miguel Samson na yan, Dana Martin. Humanda ka talaga pag wala kang may naiharap sa'kin."
Yan ang sambit ni mama kanina na paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko. Hanggang ngayon na nasa kama ko na ako.
Nanggigigil kong ginulo ang buhok ko. Huhuhu ano ba naman kasi Miguel eh. Bakit ang extra mo masyado?
Wala nga rito ang presensya mo, pero umaabot ata dito sa Davao ang powers mo kaya hanggang ngayon naiistress ako nang dahil sa'yo.
Alas onse na pero hindi pa rin ako makatulog. Madaming gumugulo sa utak ko. Dumapa ako sa higaan at tinabunan ang ulo ko ng unan.
Dana, matulog ka na parang-awa mo na. May pasok ka bukas.
Kanina nang matikman nila ang mangga at pomelo ay hindi na sila tumigil sa pagkain ng mga 'to. Ang sarap daw kasi. Sinasabi ko ha, parang may nilagay ata ang mga Samson sa pananim nila kaya kinaaadikan ng mga tao once na matikman nila.
Kinapa ko ang phone ko nang nagvibrate ito.
Frey: dana girl, wag kakalimutang ichika samin kng sino yang si miguel. Hindi mo naman nasabi na may nameet ka pala nung nasa sumilao ka. Talande kang gaga ka.
Halos mapa facepalm ako. Lagi na lang Miguel Miguel Miguel. Walang katapusang Miguel! Kahit saan ako magpunta, puro Miguel ang naririnig ko!
Nagsend ako ng malaking like sakanya. Ewan ko sainyo. Lalo na sa'yo Frey. Pahamak ka talaga palagi sa buhay ko.
Pagbukas ko ng gallery ko, halos iumpog ko ang phone nang picture naman namin ni Miguel ang nakita ko.
Nakakainis ka talagang lalaki ka, Miguel. Eh kung idelete ko na lang kaya picture mong hinayupak ka?
Pinindot ko ang delete, at lumabas ang confirmation if idedelete ko or hindi.
Nang ipipindot ko na sana ay parang naparalyze ang daliri ko. Parang yung sa magnet pag hindi opposite yung pinagdikit, nagrerepel ganern.
Grrr.
Pinatay ko na lang ang phone ko.
Taena, wag mo na lang idelete, Dana. Sayang ang remembrance.
Nagpaikot-ikot ako sa kama, taena hindi talaga ako makatulog. Kulang pa ba ang nainom ko kanina?
Umupo ako sa kama at nag-isip ng pwedeng gawin.
Ayusin ko kaya gamit ko para bukas?
Tanga, naayos mo na yan bago ka pa pumuntang Bukidnon.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...