KABANATA 25

67 8 0
                                    

Dana


Tumagal nang ilang minuto si Frey sa labas. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang anxiety level ko.


Ano kaya ginagawa nila sa labas? Si Miguel ba talaga yung kumatok? Kung si Miguel nga 'yun, paano kung sinabi niya kay Frey ang nangyari kagabi? Shet! Panigurado malilintikan ako nito kay Frey!


"Itigil mo na nga yan, Dana. Para kang baliw. Mukha kang nakadrugs sa mukha mo ngayon." Ani Keisha na mas lalong nagpabusangot sa'kin.


"Keish..."


"Ano?"


"Nililigawan ka ni Dale, 'diba?" Tanong ko at tumango naman siya.


"Oo, alam mo naman 'yun eh. Ba't mo natanong?"


"Nasabi mo ba sakanya once na virgin ka? At willing ka naman na itry na makipagsex—" Sambit ko at nagulat ako nang bigla niya akong hampasin sa balikat ko.


Mukha siyang nagulat sa tanong ko at dahil maputi siya ay kita ko kaagad ang subtle na pamumula ng pisngi niya.


"Okay ka lang?! Ba't ko sasabihin sa nililigawan ko na virgin ako? At sasabihin ko pa talagang willing akong makipag ganoon? Okay ka lang?!" Namimilog ang mga matang sambit niya sa'kin.


Pinaypayan niya ang sarili niya at bumuga ng hangin bago nagsalita ulit.


"Sinong tangang babae ang ipagkakalat yan sa manliligaw niya? Isang napakalaking igat! Rinig mo ako? Igat!" Madamdamin niyang sambit at bumusangot muli ang mukha ko.


Nung sinabi niya ang salitang 'Igat', I really felt that.


Mas lalo akong nabahala. 


Paano na lang kung nagsumbong si Miguel kay Frey?! Kung si Keisha ganito na makareact, paano na lang kaya ang isang 'yun? Paano kung malaman nila ang kaigatan ko kagabi? Shet!


Dumagundong ang dibdib ko nang biglang umawang ang pinto. Iniluwa nun si Frey kaya napalunok ako ng ilang beses.


Alam niya na kaya? Sinabi na kaya sakanya ni Miguel?


"Dana girl, hinahanap ka raw ni Miggy. Pinapasabi ni Miguel." Aniya na nagpaawang sa labi ko.


"M-miggy?"


"Oo, Miggy. Pfft, parang bayot. Miggy? Sino kaya ang nag-imbento niyan..." Sambit niya kaya napatungo ako sa hiya.


Ako ata ang nag-imbento non, base sa ala-ala ko kagabi.


"Sabihin mo sakanya, tulog ako."


"Huh? Hindi pwede. Ba't ako magsisinungaling? Atsaka nasabi ko na sakanyang gising ka na."

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon