KABANATA 36

58 5 0
                                    

Dana


Isang linggo na ang nakalipas since nang manalo si Frey sa pageant. Isang linggo na rin since noong huli kong nakita si Miguel.

At isang linggo na rin akong nababagabag sa article na nabasa namin.

Tinapik-tapik ko ang ballpen sa desk habang nag-iisip. Sinubukan ko ring indirectly na pinahiwatig kay Armani na kailangan namin ng explanation sa nangyayari. Pero hindi ko alam kung hindi niya nagets o sinadya niya talagang magbingi-bingihan.


Kinagat ko ang labi ko at napakamot na lang ako sa ulo ko sa inis na nararamdaman. Ayaw na ayaw ko talaga yung ganito eh. Yung napapaisip ako ng sobra.


Ang hirap talaga pag curious ka sa isang bagay. Hinding-hindi talaga matatahimik ang kaloob-looban mo hangga't sa 'di ka nakakahanap ng sagot.


This past week dahil wala akong makuhang matinong sagot eh nagresearch na ako sa internet ng posibleng mga sagot. Ang mga info na hindi ko nakita noon about sa mag-asawang Samson, ngayon eh bigla na lang silang lumitaw lahat. Simula noong pumutok ang balita about sa namatay na Samson, parang biglang nabuhay ang lahat ng info and news about them.

Cecilia and Romel Samson. Ang nagmamay-ari ng isa sa mga naglalakihang hacienda at mga lupa sa buong rehiyon. Partial owner ng Green Thumb Foundation. Kaya pala kilala ng Director nito si Miguel.


Hindi lang 'yon. Kilala sila sa mga charity works na ginagawa nila. Mapa-related man sa agrikultura, pati na rin sa mga donations nila para sa mga mental health awareness campaigns. I mean, hindi na nakakapagtataka kung mai-involve sila sa mga ganoon.


That answers kung bakit si Miguel lang ang laging nasa hacienda. Pero ang iniisip ko lang, bakit pati sa pagpaaptakbo ng hacienda eh kailangan siya? Kung iisipin kasi, oo kung namatay nga ang kuya niya, ba't sakanya ipinasa lahat? Nag-aaral pa siya, may pinagdadaanan, kaya bakit siya?

Sa laki ng sakop at impluwensya ng mga Samson, meron naman sigurong pwedeng mapagkakatiwalaan na tao na pwedeng maghandle ng lahat, 'diba? How about his relatives? Assistants? Secretary? Bakit wala? Bakit na'kay Miguel lang lahat?


Inisa-isa ko ang lahat ng news articles na nakita ko sa internet. Pero wala akong may nakitang naglalaman about sa sakit ni Miguel. Sinadya kaya nilang itago?

Tulala ako sa kawalan habang hinahayaan na malunod sa mga katanungan na nasa isip ko.

"Dana... Dana girl!" Napaigtad ako nang may tumapik sa balikat ko.


"H-ha? Ano 'yon?" Wala sa isip ko pang tanong. Nakita kong si Frey pala ang tumapik sa'kin. Bahid sa mukha niya ang pag-aalala.

"Kanina ka pa tinatawag ni Mrs. Rubio." Aniya kaya namilog ang mga mata ko st napatingin ako sa harap.


"P-po? I'm really sorry Ma'am, I'm not feeling well kasi..." Pagdadahilan ko. Feel ko kasi ata may itatanong sa'kin na related sa dinidiscuss.

Eh paano ako makakasagot kung hindi naman ako nakikinig? Kaya mabuti nang advance, no. Aba, matalinong bata kaya 'to.


Kumunot naman ang noo ni Mrs. Rubio, "Oo nga, mukhang hindi nga. Hindi ka naman kasi natutulala sa mga discussion natin. Gusto mo bang pumunta sa clinic?" Aniya.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon