Dana
"Tingnan niyo oh, ang dami-dami na rin palang nagawa ng Green Thumb..." Ani Frey na tinuro pa ang mga framed pictures na nasa wall. May mga description din na naka sulat sa baba na parang nag-iindicate kung kailan at kung anong klaseng activity 'yon.
"I didn't know na ganito ka globally active ang foundation." Mahinang sambit ni Keisha. Mabuti lang din at parang bumabalik na siya ng pakaunti sa dating siya. Unlike noong ilang araw na sobrang tahimik niya.
"Right, gaya nito oh. Umattend sila sa Australia a month ago nung nilaunch ang micro-recycling technology doon that supposedly can fix the overwhelming plastic problem sakanila. May ganoon pala? Ngayon ko lang nalaman 'to." Bilib na sambit ni Frey.
Binasa ko ang tinuro niyang picture. Oo nga. About 'yun sa launching na ginanap sa Australia. Nasa larawan makikita si Director Isles na may kasamang mga lalaki na mukhang Australians, parang nag-uusap habang nakatuon ang atensyon sa isang machinery. Ito ata ang tech na tinutukoy.
Galing no? Ba't kaya wala pa nito sa Pinas?
"According dito sa article, hindi pa available for global use ang technology since tinetest pa ang effectivity nito sa Australia as of now. If nagkaroon ng malaking changes at maganda ang daloy, then possible ang mass production nito. The good thing pa, ang plastics na nirerecyle dito can be used to create or mold any usable products via 3D printing. Ang talino, ha? Atsaka, naunang ginawa pala ito sa isang university." Nagulat ako nang magsalita ng mahaba si Keisha.
Nakahawak siya ngayon sa phone niya. Mukhang nagresearch ata about sa micro-recycling.
"University? Galing! Just imagine, nakakatuwa lang isipin na nanggagaling ang mga raw ideas na 'to from university students. Like, iba na talaga ang utak at innovation ng mga youngsters. Sana all." Ani Frey at nagselfie doon sa picture.
Nag-ikot pa kami at iniisa-isa ang mga pictures ng mga projects, campaigns at iba't-ibang activities ng foundation atsaka mga achievement nila these past years. Sobrang active nila, grabe.
Habang tinitingnan ang mga pictures, natigil ako bigla sa isang litrato sa pinakadulo sa kaliwa. Pinuntahan ko 'yon at kumunot ang noo ko nang makita ang nasa litrato.
Parang, si Miguel... Pero hindi totally na siya.
Unlike kay Miguel, halatang pormal ang lalaki, sa clean-cut niya pa lang na buhok. Mas maliwanag din ang mukha nito kasi nakangiti. Bumabagay din dito angformal niyang damit kumpara kay Miguel na madalas lagi kong nakikitang naka t-shirt at shorts lang.
"Hoy, ano yan? Makatitig ka kanina pa diyan!" Rinig kong boses ni Frey at naramdaman kong lumapit sila sa'kin.
"Teka, kahawig niya si Miguel. Si Miguel ba yan? Ay, hindi... Huh?" Litong sambit ni Frey.
Napalunok ako nang mabasa ang nakasulat sa baba. Mahina at mabagal kong sinambit ang nakasulat dito na pumukaw talaga sa atensyon ko.
"2018 Ribbon-cutting for the Region X Recycling Facility with Mateo Samson... Mateo?"
Mateo Samson... Mateo Samson... Teka, don't tell me, ito ang tinutukoy nilang nakakatandang kapatid ni Miguel?
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
