Dana
"Dana? Dana hija?" Rinig kong boses mula sa pinto. Ilang beses siyang kumatok. Kaya imbes na makatulog ulit ay nagising na lang ako.
"Po?" Garalgal kong tanong. Mabigat ang kamay kong kinusot ang mga mata ko at tinanggal ang mga muta.
"Mag-aagahan na tayo. Tanghali na..."
Talaga? Tanghali na?
"Sige po, susunod po ako..." Sagot ko naman at narinig ko ang yapak ni Nanang Rosa palayo sa kwarto.
Tiningnan ko ang oras sa phone kong 20% na lang, at nagulat sa oras.
Five forty-five ng umaga? Akala ko ba tanghali na?
Ang aga aga pa!
"Ano ba naman..." Bulong ko sa sarili ko. Pero dahil gising naman na ang diwa ko ay bumangon na lang ako.
Ang aga pa pero rinig ko na ang ilang busina ng mga sasakyan at usapan ng mga tao.
Grabe, ganito ba talaga kaaga ang mga tao dito? Ganitong oras normally eh nananaginip pa ako sa kwarto ko.
Paglabas ko ay bumungad sakin ang ilang mga babae na feel ko mga kaedad ko lang ata. May nagkukwentuhan, merong may mga dalang plato. Basta maraming ginagawa.
Nang makita nila ako ay halata sa mukha nila ang pagtatanong.
Nginitian ko na lang sila kasi mabait ako, at dumiretso. Hinanap ko ang kainan. Paano ko hinanap? Sinundan ko lang ang langhap ng ginisa.
Actually nakakaramdam na ako ng gutom. Amoy pa lang nakakatakam na.
"Dana! Halika, kakain na tayo." Nang makita ko ang kusina ay nakita ko kaagad si Manang Rosa na kakatapos lang magluto. Halos maglaway ako nang makitang isinalin niya ang chop suey sa malaking bowl.
Kahit nahihiya, lumapit ako sakanya at nagmano. Ganyan talaga pag may manners ka. Pagkatapos ay naupo sa bakanteng upuan. Actually, lahat bakante. Kung bibilangin ko, may sampu na upuan. Lima-limang upuan pareho sa magkabilang dulo.
May isang babae na short hair ang pumasok at tumulong kay Manang Rosa na maghanda ng mga plato.
"Salamat, Niña. Tawagin mo na ang iba't sabihin mong kakain na." Sinunod naman yon ng babaeng short hair at lumabas. Maya-maya ay napuno ng ingay ang hapag nang isa-isang pumasok ang mga babae na nakita ko kanina.
Nang makita nila ako ay nagbulungan na naman ang iba. Sa dinami nila, alam kong isa lang ang katanungan nila.
Sino ako? Sino ang bagong salta dito?
Kahit na gayon ay naupo pa din sila sa mga bakanteng upuan. Dahil sa gutom ay kukuha na sana ako ng kanin nang biglang nagsalita si Manang.
"Tayo'y magdasal at magpasalamat sa biyaya ng Panginoon sa'tin dito sa hapag..." Taimtim na nanalangin si Manang at tahimik naman ang mga kasamahan ko dito.
Ay, magdadasal pa pala?
Pasensya na. Good mannered at mabait lang po ako, pero hindi ako nasanay na magdasal bago kumain. 'Di kasi nakaugalian sa family ko. Sorry.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...