KABANATA 18

119 11 0
                                    

Dana

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang pwedeng sabihin sakanya kaya nanahimik na lang ako. How am I supposed to react in this situation? Hindi ko alam kung paano. Ni hindi nga gumagana nang maayos ang utak ko.


Sobrang sudden ng actions niya for me sa totoo lang. First time kong maka encounter ng ganito sa buhay ko! Ano pa bang maasahan sa'kin na online jowa lang ang naranasan, aber?


Suddenly bigla akong may narinig na ringtone.


"Sagutin mo." Ani Miguel kaya hinanap ko kung saan at nang makita ko ay may tumatawag sa phone niya.


Hindi ko sana sasagutin eh kaso nakita ko ang pangalan ni Armani kaya sinagot ko.


"Hello?"


[Dan? Dana girl?] Boses ni Frey.


Right, nagdadrive nga pala si Armani. Ginawa pa kaming caller at receiver ng tawag ha.


"Oh ano yun?"


[Change of plan. Didiretso raw tayo sa Initao, sa beach house ni Armani.]


Kumunot ang noo ko. 


Saan daw?


"Saan? Saan yan?"


[Teka, ask ko muna si Armani. Armani, saan daw?.... Ha? Misamis? Sige sige... Dana girl, sa Misamis daw.]


Napaawang ang labi ko. 


Sumilao, Iligan, Misamis. Baka naman may balak pang dumagdag? Hindi ko naman alam na travellers na kami ngayon. Akala ko ba project lang?


"Bakit daw?" Tanong ko. Napansin kong sinulyapan ako ni Miguel.


[Mas pretty daw tsaka spacious. Maliit daw kasi pag sa bahay niya rito sa Iligan kasi nasa subdivision daw.] Pagpapaliwag naman niya. Rinig na rinig ko ang boses ni Keisha at ni Armani.


Mukhang enjoy na enjoy silang tatlo sa company ng isa't-isa ah.


Sinulyapan ko ang katabi ko at tumingin din siya sa'kin. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Bumalik ang tingin ko sa daan at nagbuntong-hininga. Sana all enjoy.


"Sige, nakasunod lang naman kami sa inyo eh."


[Want niyo raw ba dumaan sa mall or something? Kung gusto niyo bumili ng damit. Wala raw maliit na damit si Armani na babagay sa'yo.]


Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ayaw ko naman na maging abala na masyado lalo na kay Armani.


"Hala sabihin mo okay lang ako. Hindi naman ako maarte eh."

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon