KABANATA 27

87 6 0
                                    

[3rd PERSON'S POV]


"Gusto mo kape? Pagtitimplahan kita." Ani Armani nang mamataan ang kapatid.


"The Avi Corps' President? Pagtitimplahan ako ng kape?" Sa kabila ng inis na nararamdaman ay pabiro siyang nagtanong sa kuya niya.


Natawa ng konti si Armani at tumayo, "Well, it is supposedly your rightful title, not mine, Mr. Runaway President. Kumbaga, stand in lang ako dahil walang choice." Aniya.


Nagbuntong-hininga ang nakababatang kapatid at bagot na tiningnan ang kuya niya.


"No, I won't settle for that. Ikaw ang magiging CEO ng kumpanyang 'to. Atsaka, may secretary ka naman. Tawagin mo na lang. O ako na lang ang tatawag." Ani Alistair at may dinial sa telepono ni Armani.


"Two cups of coffee, miss. Yung isa pakilagyan ng honey, please. Thank you." Ibinaba niya ang tawag at nakangiting nagmamasid sakanya si Armani.


"Ang hilig mo talaga sa honey. I have no choice kundi magkaroon ng stock just in case na bigla kang bibisita rito dahil kay Dad." Ani Armani at umiling-iling.


"Honey always calms me down. Lalo na after ng masakit sa ulong sumabatan with Dad. I won't survive this cruel world without honey."


Nagvibrate ang phone ni Alistair kaya't tiningnan niya ito. Napangiti siya nang makita kung sino ang nagmessage sakanya.


Dana: Hoy nalaman ko kay Owen nag-absent ka ng ilang araw. Wag mong gagawin yan sa monday ha? Lagot ka sakin 🤨


" I guess, there's still something na is sweet and addictive aside from honey." Sambit ni Allistair sa isip niya nang mabasa ang message ni Dana.


He felt as if his headache subsided as he saw the message he got from Dana.


"Let me guess, pumunta ka rito dahil sa balitang sinabi ko sa'yo?" Hula ni Armani.


Ayaw na ayaw na pumunta ng kapatid niya sa kompanya dahil sa pwersahang mga bagay na ginagawa ng ama nila para lang mai-korner ang anak. Kaya nung tinawagan niya ito kanina para ibalita ang plano ng ama nila ay nahulaan niya na ring susugod dito ang kapatid niya.


Just like that, bumalik na naman sa masamang timpla niya si Alistair.


"What do you expect? You know how I hate this company, kuya. Lalo na ang chairman at board of directors. Panghihimasok lang sa buhay ang alam ng mga tanginang 'yon." Galit na sambit ni Alistair.


"Calm down. Watch your words, Alistair." Ani Armani kaya't nakalma naman ang kapatid.


Sakto ay pumasok ang sekretarya ni Armani na may dala-dalang dalawang cup. Ipinatong niya ito sa may lameseta at nagpaalam bago lumabas muli. Naupo sa may sofa si Alistair at bumuga ng hangin. Humigop siya ng kape habang pinipilit na pinapakalma ang sarili niya.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon