ANG SIMULA

955 46 13
                                    

Dana

[Sorry pero di na kita mahal. Its not you, its me...] At narinig ko na lang ang beep, ibig sabihin ay pinatayan ako ng tawag.
 


"Teka, teka. Hoy!" Tinry kong tawagan ulit but to no avail, di na macontact ang boyfriend ko. Or should I say, ex?


"Gago ka! Gago gago gago!" Naiyak na lang ako sa sinapit ko. Ba't ang malas malas ko sa pag-ibig na yan?!


Sinipa ko ang mineral bottle na nasa tapat ko at sinabunutan ang buhok ko sa panggigigil.


"Ah! Bwiset ka! Sana naman kung makikipagbreak ka, nagkaroon ka lang man ng hiya at ibalik mo sakin ang lahat ng inutang at binigay ko sayo!" Sigaw ko sa kawalan. Taena nanggagalaiti ako sa galit at inis.


"Punyeta ka nagcommute pa ako ng limang oras para lang makarating dito sa probinsya mo tapos iindyanin mo lang ako?! Tas makikipaghiwalay ka pa sakin?!"


"Paano ako makakauwi neto? Kulang na ang pera ko? Gabi na! Hinayupak ka!" Halos mapaos na ako kakasigaw at kakaiyak. Nakakainis! Bakit ang malas ko!


Napaigtad ako nang may maramdaman akong bagay na nakatutok sa likod ko.


"Miss napakaingay mo. Ibigay mo sakin bag mo, holdap 'to." Sambit ng isang boses sa likod ko.


Alam kong dapat akong matakot pero punong-puno na ako! Habang naaalala ang katangahan ko, parang gusto kong bumugbog ng tao!


Kaya hinarap ko ang hinayupak at sinipa ng malakas sa tiyan niya. Napalakas ata dahil napaatras siya, hanggang sa matumba.


"Gago ka ba?! Diba sabi mo ang ingay ko?! Edi narinig mo ang mga sinigaw ko kanina? KULANG-NA-ANG-PERA-KO! Naiintindihan mo ba?!" Sigaw ko pa sakanya. Kumuha ako ng bato na malapit sa kinatatayuan ko at malakas na hinagis sakanya. Dali-dali siyang nagreact at umilag pero natamaan pa din siya.


Hindi pa ako tapos tanginaka. Dahil wala dito ang gago kong ex. Ikaw na lang ang pagbubuntungan ko ng galit.


"Narinig mo naman diba?! NASA-EX-KO-NA-LAHAT! Nagsayang pa ako ng isang libo para lang makapunta dito! Tapos hoholdapin mo ako?!" Ihinagis ko sakanya ang bag kong walang laman kundi kaunting mga damit.


"Oh ayan! Isaksak mo sa baga mo! Tingnan mo kung may laman yan! Ang tanga mo! Ang bobo mo! Mas tanga at bobo ka pa sa'kin tangina ka!" Di ko na napigilan at tumulo na lang ang mga luha ko.


Alam kong mukha na akong tanga dito, at yung holdaper ko halos di na makagalaw sa kinahihigaan niyang lupa, pero wala na akong pake.


Napaluhod na lang ako, "Kinuha na nga sakin ang lahat, hoholdapin mo pa ako? Wala ka bang puso? Common sense?" Inilabas ko ang cellphone ko at pinakita sakanya.


"Gusto mo etong cellphone ko? Eh di ko pa nga natatapos na bayaran 'to!" Napapadyak na lang ako at umiyak.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon