Dana
"It feels nice." Biglang sambit ni Miguel kaya napatingin ako sakanya. Nanatiling nasa langit ang tingin niya habang hinahabol pa rin ang hininga niya.
"Nice ang?" Tanong ko. Naramdaman kung muli ang paggapang ng kamay niya sa kamay ko at paghawak niya dito ng mahigpit.
"To run freely.... Na kasama ka. After a long time, ngayon lang ako nakaramdam ulit ng ganito. Yung makahinga ulit nang maluwag." Nakangiting sambit niya.
Bakit, Miguel? May bumabagabag ba sa'yo? Anong ibig mong sabihin sa nakahinga ka ulit ng maluwag?
Tumingin siya sa'kin at binigyan ng sincere niyang ngiti.
"It's like, you're an oxygen tank. The more I hold onto you, the more that I can breathe without restrictions."
Is there something suffocating you, Miguel?
Tumayo na siya at nagpagpag ng damit niya kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Gusto ko pa sanang tumagal tayo, kaso baka dumilim na mamaya. Hindi natin matatapos ang gusto kong gawin natin ngayong araw." Sambit niya at muli akong hinila.
"Kaya ba hila ka nang hila sa'kin? Kasi nagmamadali ka?"
"Yes. Pakiramdam ko kulang ang natitirang oras natin ngayon kaya susubukan kong pagkasyahin ang lahat."
Nakarating kami sa barn house at pumasok dito. Kitang-kita ko ang mga sumisilip na mga ulo ng mga kabayo rito.
Hala don't tell me, mangangabayo kami ulit? Kaya ba sinabi niyang we're gonna do all of those right?
Napalunok ako. Aamin ako, ha? Natrauma ako ng slight sa mga kabayo. Masyado akong nadala sa katangahan ko kaya ngayon parang nagkaroon na ako ng phobia.
At mas lalo akong natakot nang lumabas si Miguel na hila-hila na ngayon na kung hindi ako nagkakamali ay si Pharaoh. Yung kabayong sinakyan ko dati. Nang palapit na sila sa kinatatayuan ko ay automatic akong napaatras. Nakakatakot tingnan ang malaki at mataas na kabayong yan.
May kinuha si Miguel sa gilid at bumalik siyang may dala-dala nang boots. Sinuot niya 'yun at iniwan ang sliders niya sa gilid. Ngayon ko lang napansin na hindi siya naka shorts ngayon. Seems like he's wearing some black tights.
"It's a good thing na naisipan mong magsapatos." Aniya at lumuhod sa harap ko. Tinanggal niya ang pagkakatali ng mga sintas ng sapatos ko.
"Inaayos. Your shoelaces have to be neat and tight." Tumayo na siya at nakita kong nakatago na ang sintas ko. Masyadong malinis at mahipid tingnan ang sapatos ko.
Hinawakan ni Miguel ang kamay ko at hinila ako palabas habang hila-hila rin si Pharaoh gamit ang kabilang kamay niya.
"Why are you so stiff?" Ani Miguel habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...