Dana
It was around 8:30 AM when we decided to go home. Kaya eto kami ngayon, nasa labas ng bahay ni Armani.
"Gusto ko sanang ako rin ang maghatid sainyo pauwi but unfortunately, mukhang ayaw ng isa diyan." Ani Armani na alam namin na si Miguel ang tinutukoy kahit na sa aming mga babae siya nakatingin.
At ang hinayupak naman ay mukhang hindi ata nakailag ayun, tinamaan.
"Kaya ko silang ihatid mag-isa. My car is more than capable to do so." See?
Natawa naman si Armani at umiling-iling, "Of course it is, Miguel. Sige na, mag-iingat kayo pauwi." Tiningnan niya kami isa-isa.
"It was really great that I met all of you. Kahit papaano, nadagdagan ang mga kaibigan ko. Punta kayo ulit dito next time." Ani Armani.
"We'll surely do! Siguro pag bakasyon eh dito kami agad pupunta. Maganda na, libre pa." Nagbibirong saad ni Frey pero sinang-ayunan naman namin.
"Next time, sigurado prepared na kami. Tipong kahit isang buwan pa kami magstay dito eh okay na okay kami." Gatong pa ni Keisha.
Parang may biglang naalala si Armani, "Nga pala. Hindi ko pa nakukuha ang contacts niyo." Saad niya.
Hala oo nga pala! Wala pa kaming contacts sa isa't-isa.
"Ito number ko, Armani. Pati na rin FB, Insta, baka gusto mo pati Twitter ko..." Ipinakita ni Frey ang phone niya kay Armani. Ganoon din si Keisha.
Syempre ako inilabas ko din ang phone ko pero nagulat ako nang hablutin na naman ni Miguel ang phone ko.
"Alam mo? Hindi ka lang holdaper eh. Pwede kana ring magnanakaw. Ang galing mong manghablot!" Irita kong komento sakanya.
"Magnanakaw? If that's the case then, can I steal your heart?" Biglang banat niya kaya namilog na naman ang mata ko sa gulat.
Dios ko, puso ko. Kumalma ka. Dapat nga sanay ka na ngayon sa mga atake niyang napakacorny eh. Calm down, calm down.
"If magaling talaga akong manghablot, then you should be careful. Baka anytime eh mahablot ko na ang puso mo." Dagdag niya pa kaya halos manginig ang kalamnan ko.
Tulong! Inaatake niya ang puso ko!
"Dana?" Napalingon ako kay Armani. Parang hinihintay niya na ibigay ko din sakanya ang number ko.
"Pwede mong i-contact ang dalawa. Makakarating naman siguro yan kay Dana." Sabat ni Miguel habang hawak pa rin ang phone ko.
Napaawang na lang ang labi ko sakanya. Napaka-possessive naman ata ng isang 'to. May kami ba, ha? Ha?
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomantizmMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...