[3rd PERSON'S POV]
Naiintriga, tumingala rin si Dana at ang kanyang mga kasamahan sa ikalawang palapag ng bahay. Sa pinakadulo ng handrail ay may dalawang tao ang natigil sa pagbaba nila sana sa hagdanan.
"Armani! Ang tagal ka naming hindi nakita. We were anticipating you." Ani babae sa malambing na boses. Ngunit kahit na ganoon ay mararamdaman pa rin sa kalaliman at sa boses niyang puno ng sopistikasyon na hindi lamang siya basta-basta.
Nauna itong bumaba. Sila Dana naman ay para bang nahipnotisa sa magandang Ginang. Bawat hakbang ay elegante, ang tindig ay puno ng kumpiyansa sa sarili.
"Wow, para siyang si Director Isles. Mas lamang nga lang siya ng ilang level. Grabe, ayaw maalis ng tingin ko sakanya!" Sambit ni Dana sakanyang isip habang pinagmamasdan ang nakababa nang Ginang kasama ang Ginoo na sumusunod dito.
"I'm glad you came early." Ani Ginang at hinawakan sa pisngi si Armani. Pagkatapos bawiin ang kanyang kamay ay inilibot niya ang kanyang paningin sa mga kasama ng binata. Tumigil ang kanyang mata kay Alistair nakatayo lamang sa bandang likod ng kuya nito.
"You must be Alistair. Armani told me a lot about you. You're one hell of a fine man." Ani Ginang sa pabirong boses kaya natawa naman sina Armani at ang Ginoo habang si Alistair ay nahiya sa komplimento.
"I mean, you're not wrong, Ma'am. I've heard that a lot actually." Pagsasabay pa rin nito sakanila kaya muling natawa at umiling ang Ginang.
"I like you, kaya mong makipagsabayan sa'kin. Kapatid ka nga talaga ni Armani." Dagdag ng Ginang at muling inilibot ang paningin hanggang sa dumapo at tumigil ito kay Dana. Muling pumorma ang ngiti sa labi nito.
Nang magtama naman ang tingin ni Dana sa Ginang ay napalunok siya at parang nanigas sa kinatatayuan. Ngunit habang tumitingin siya rito nang matagal ay para bang may namumukhaan siya sa mga mata nito.
'Yun ang uri ng pares ng mga mata na maraming gustong ipahiwatig. Sobrang lalim at napakaraming gustong sabihin. Ang uri ng pares ng mga matang kayang magpabilis ng tibok ng puso niya.
"What a pretty-looking darling. I feel like I've seen you somewhere." Ani Ginang habang nakatitig pa rin kay Dana. Nagulat naman si Dana at nanlaki ang kanyang mga mata, hindi alam ang irereact sa biglang sabi ng Ginang sakanya.
"P-po? Hindi pa ata kita nakita rati tsaka hindi ako tagarito, baka kamukha ko lang po." Mabilis at natatarantang sagot ni Dana.
Dahil sa ekspresyon at sagot ni Dana ay muling natawa ang Ginang, pati na rin ang Ginoo. Napalunok naman si Dana at nalilito kung bakit natawa ang dalawa habang nagtitinginan pa.
"Now I know why he likes you. You're a genuinely likable young woman." Bahid sa boses ng Ginang na naaliw siya kay Dana. Habang si Dana naman ay muling napalunok.
Tumatagal ng tumatagal, pati sa mukha ng Ginoo ay may naaalala siya. Napasinghap naman siya nang may mapagtanto.

BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...