KABANATA 43

116 6 0
                                        

Dana


"Mauuna na'ko sa baba, ha?"


Mabigat na naman ang dibdib ko habang wala sa animo na naglakad palabas ng kwarto. Hindi na ata ako kumukurap habang naglalakad na mabibilis ang bawat hakbang ko.


Paano kung hindi pupunta si Miguel mamaya?


Bukas ng umaga uuwi kaagad kami. Ang huling pagkakataon ko para maconfront si Miguel ay mamaya. Pagkatapos nun, tuloy na naman ang buhay namin sa Davao. Hindi ko naman alam kung kailan ako magkakaroong ng tyansa na makita siya ulit.


Daan-daang kilometro na naman ang maghihiwalay sa'ming dalawa.


Kinagat ko ang labi ko. Nakakainis.


Sobrang nakakainis... Grabehan na tala--


"Dan!"


Nagulat na lang ako nang may kamay na humawak ng mahigpit sa pulsuhan ko at pinigil ako mula sa paglalakad at mga iniisip ko. Lumingon ako at tumingala para makita kung sino 'yun.


"A-AJ..." Mahina kong sambit ng pangalan niya.


Hindi tulad ng lagi kong nakikita sakanya, ngayon ay parang nag-iba ang mukha niya. Ni hindi siya ngumingiti. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.


"Dan, remember telling me that this place is your paradise? Na kahit na, this place may not be as grandiose and fascinating as Davao and other residing cities in the region. As long as you feel at home and you feel happy, it is paradise. Isn't it what you said?" Sambit niya sa monotonous na boses.


Walang masabi, patuloy lang akong tumitig sakanya. Ganoon pa rin, walang pagbabago sa ekspresyon niya.


Ngayon ko lang nakita si AJ na ganito kaseryoso. Kilala at sanay ako na lagi siyang nakangiti. Siya yung lalaki na gumagawa ng mga bagay sa paraang alam niya upang pangitiin ako. Para pagaanin ang loob ko.


Pinaharap niya ako ng tuluyan sakanya. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago bumuntong-hininga. Umangat ang kamay niya at napaigtad ako ng kaunti nang maramdaman ang mainit niyang kamay sa pisngi ko.


"If this is your paradise, then why are you crying?" Tanong niya na gumulat sa'kin. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sakanya at automatic na rumesponde ang kamay ko sa sinabi niya. Sinalat ko ang pisngi ko at totoo nga ang sinabi niya.


Naiyak man lang ako ng hindi ko namamalayan.


Tumungo ako para hindi niya makita ang mukha ko. Nakakahiya. Nakakainis.


Ayaw kong makita ako ni AJ na ganito. Nakakahiya na nakita niya akong naiyak dahil sa lalaki. Nakakahiya dahil parang nagising ako at nasampal sa tanong niya. Nakakainis dahil, yung tao pa na ginagawa ang lahat para mapangiti ako ang nakahuli sa'kin na ganito ang estado.

Holdap (Sumilao Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon