KABANATA 20

127 13 1
                                    

Dana

Ano... ano raw? Pwedeng paki-ulit? Rewind? Wait wait wait...


WAIT!


Let me court you? Court? As in, liligawan? Liligawan niya ako?! Liligawan ako ni Miguel?! Oh my goodness. Omg omg omg.


"Dana?" Tinagilid niya ang mukha niya at lumapit sa'kin. Automatic akong lumayo at napasinghap.


"Oh my god oh my god oh my god..." 'Di ko makapaniwalang saad.


"Dan—"


"Diyan ka lang! Don't move! Hep hep hep! Stap!" Namimilog ang mga mata kong saad sakanya habang hinaharangan siya gamit ang dalawa kong kamay.


Pinagtitripan ba ako ng isang 'to? Baka prank 'to? Hidden cam ba?


Luminga-linga ako sa paligid, nagbabasakaling may makita akong mga hidden camera.


"Anong ginagawa mo—"


"Stap! Don't talk. Shut up! Stap it! May hidden cam ba rito? Prank 'to, 'no?" Exaggerated at dramatic kong saad.


Ba't ako pinagtitripan ng isang 'to?! Bad joke 'to!


Kumunot ang mukha na niya habang nakatingin sa'kin, "Sa tingin mo ba talaga eh prank 'to? Na pinagtitripan kita?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


Mabilis akong tumango. Hindi naman kasi kapani-paniwala eh!


"Wow... Unbelievable. Mukha bang pagtitripan kita?" Mahinang saad niya pero rinig ko pa rin.


"To answer your question, isang napakalaking yes! Napagtripan mo na nga ako dati, 'diba?" Sagot ko sakanya at natahimik naman siya. Oh ano ka ngayon, ha? Tameme ka, 'no?


Hindi ko na kaya 'to. Ba't ba kasi ako sumama sa isang 'to in the first place? Makabalik na nga!


Mabilis akong tumayo at tatakbo na sana nang nahuli niya ang kamay ko kaya napatili ako sa gulat.


"Wag mo nga akong hawakan!" Gulat kong sambit sakanya.


Punyeta ang puso ko hindi na naman makalma! Kasalanan 'to ng Miguel na 'to eh!


"Bakit ganyan ka magreact? Ayaw mo ba sa'kin?" Tanong niya which caught me off guard.


"Well... Ano..."


Ayaw ko ba sakanya? Hindi naman sa ganoon! Masyado lang hindi kapani-paniwala ang sinabi niya at ayaw magsink-in sa'kin. Kung ikaw ba naman eh walang araw na ginawa ang Diyos na magkasama kayo tapos babangayan ka lang niya, maniniwala ka ba sa taong yan kung sabihin niyang gusto ka niyang ligawan?

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon