KABANATA 42

82 6 0
                                    

Dana


Alas sinko pa lang ng umaga ay gising na kami. Bakit? Dahil may katok nang katok sa pinto namin kanina pa.


"Ano ba naman yan... Buksan niyo nga..." Garalgal pa ang boses na sambit ng katabi ko. Hindi ko alam kung sino sa dalawa kasi pikit na pikit pa ako.


Anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa kaartehan ko. Syempre ngayon mabibigat pa rin ang mga mata ko.


Natigil ang pagkatok kaya muling tumahimik sa kwarto. Hihilahin na sana ulit ako sa mahimbing na pagtulog nang biglang may kumatok na naman.


"Dan? Frey? Keisha?" Ani boses mula sa may labas. Familiar ang boses ng lalaki kaya napakunot ang noo ko habang pinipilit ang sarili kong bumuklat.


"Si Armani ata 'yun? Or si AJ? Tingnan niyo nga." Sambit ko tsaka humikab. Medyo magkaparehas kasi ng boses ang magkapatid kaya medyo nahihirapan akong mag-identify lalo na't inaantok pa ako tsaka nasa labas ang boses. Hindi ko masyadong maklaro.


Naramdaman ko naman ang paggalaw ng kama. Mukhang may gumalaw na ata sa'ming tatlo. Kahit nakapikit eh aware naman ako sa paligid ko.


"Armani? Ikaw ba yung kumakatok?"


"Yes, haha akala ko nga ano nang nangyari sainyo kasi kanina pa ako kumakatok yet no one's responding. Prepare yourselves. Mangangabayo raw tayo mamaya." Mabilis na bumuklat ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Armani. 


Ano sabi niya? Mangangabayo?


Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. Pati si Keisha ay napaupo din. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa direksyon ng pinto. Nakita ko naman si Frey na mukhang gising na rin ang kaluluwa kahit na parang pugad ng ibon ang buhok niya. Nakikita ko rin ang kalahati ng mukha ni Armani mula dito.


Napatingin si Armani sa direksyon namin at kinagat niya ang labi niya, mukhang nagpipigil ata ng tawa.


"Wow, you became birds' nests overnight." Komento ni Armani kaya namimilog ang mga mata kong kinapa ang ulo ko at halos magtago ako sa ilalim ng kumot nang makapa ang mga buhok kong masyadong magulo.


"Hahaha be ready at six. After niyong mag-ayos, baba kayo for breakfast."


Matapos magpaalam ni Armani ay nagtinginan kaming tatlo nina Frey at Keisha. Unti-unti kong inangat at inadjust ang isang paa ko para mas maging mabilis akong makagalaw. I have this feeling na mag-uunahan kaming tatlo sa bathroom eh.


At 'di nga ako nagkamali.


"Gyah!" Sigaw ni Frey at kumaripas ng takbo papunta sa bathroom. At syempre preparado na ako kaya isang hakbang niya pa lang eh nakagalaw na rin ako tsaka hinabol siya. Ganoon din si Keisha. Hanggang sa makaabot kami sa pinto ng bathroom. Papasok na sana si Frey nang harangan ko siya gamit ang paa kong nakataas ng hanggang baywang niya.


"Ako kasi paunahin niyo! Promise bibilisan ko!"


Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon