This chapter contains nakaka-pollute-ng-utak scenes. Lols. Read at your own risks.
22: The Night
-HAN-
Pagkatapos talaga ng bawat araw, ang pinakamasaya pa rin ay ang makatabi ang pinakamahal mo.
Nangingiti ako habang pinagmamasdan kong natutulog si Marley. Ginalaw ko ang kamay ko para ipatong sa bewang niya para mayakap ko siya. Damang dama ko ang bawat malalim na paghinga niya. Ang init-init pa ng balat niya kahit nakatodo yata ang aircon unit dito sa kwarto. Pati tuloy ako, nakaramdam na ng init. Shit, nate-tempt na tuloy akong gisingin siya at ituloy yung naudlot kanina.
Nangingiti nalang ako mag-isa sa naiisip ko. Puro ako kalokohan! Haha.
Ginalaw ko yung kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Medyo tulog mantika talaga siya kasi hindi man lang magising.
"Ang ganda mo, Ni," bulong ko sa kanya.
Napalunok nalang ako nang mapunta na ang kamay ko sa labi niya. May kapulahan 'yon kahit hindi siya gumagamit ng lipstick. Ang lambot pa. Napalunok ulit ako. Gusto ko siyang halikan bigla.
Hinawi ko yung buhok na nakaharang sa mukha niya. Wrong move yata kasi mas nakaramdam ako ng urge na halikan siya.
"Ni naman kasi eh. Bakit mo ba ako tinulugan?" Natatawa-tawa kong bulong sa kanya. "Nahihirapan tuloy ako ngayon. Ikaw naman kasi eh..."
Nagulat ako nang biglang dumilat yung mga mata niya. Sa itsura niya, mukhang narinig niya yung mga sinabi ko.
"G-gising ka pa pala?" Hindi ako makapaniwala, and at the same time ay nagsisi. Pano kung narinig niya? Malamang mauudlot na naman lalo! Ay naman!
Medyo nagkusot pa siya ng mata niya. Naniningkit pa siya kasi medyo bagong mulat lang. "Nagising ako... Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Narinig mo ba?" tanong ko rin.
Nangiti at natawa nalang siya. Malamang narinig nga niya. "Ikaw ah," tukso niya sabay pisil sa ilong ko. "Natutulog ako pero pinagnanasaan mo ako. Grabe ka."
Nakitawa na rin ako ulit. "E kasi naman tinulugan mo ko."
"Bakit ba gustung gusto mo?" tanong niya.
"E kasi..." Wala akong masabi. Halos tawanan ko lang siya.
Hinampas niya ako. "Kita mo 'to! Napaka-ano mo talaga!"
"Ano?"
"Ah basta! Manyak!" natatawa niyang sagot confidently.
"Anong manyak? Grabe ka naman!" depensa ko. "Hindi ah! Masyado lang kitang nami-miss... Miss na miss!"
Natatawa niya akong hinampas-hampas.
Ayos. Natuwa ako at gising na siya. Mukhang pareho pa kaming nasa mood para makipagharutan sa isa't isa. Nang makakuha ako ng tyempo, agad akong pumaibabaw sa kanya at nilapit ko ang mukha ko.
Si Marley naman ay parang nanigas nang matigilan bigla. Eksakto pa kasing nagtama ang mga mata namin. Idagdag mo pang talagang nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "T-Trey." I smirked when I saw her gulped.
Gusto niya. Alam ko.
May ilang sandaling katahimikan at pakiramdaman bago ako nagsalita. "Please, Ni... I want you."
Kahit hindi siya magsalita, nakikita ko sa kinang ng mga mata niya ang hindi pagtanggi. Alam ko namang babae rin ang asawa ko. May pangangailangan at urge din minsan.
"Ngingiti-ngiti ka diyan?" biglang tanong niya. Nakita kong nakataas na ang kilay niya sa'kin. Ilang segundo o minuto ko na yata kasi siyang tinitigan at nangingiti na pala ako.
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
General Fiction[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)