5- Epic Day Out

2.6K 35 2
                                    

5:  Epic Day Out

-NI-

"Ayan, okay na." Masayang masayang sabi ng asawa ko pagkatapos niyang ilagay sa loob ng sasakyan ang lahat ng mga gamit na dadalhin namin. Sinara na niya 'yon tapos binalikan kaming mag-iina niya na nakaupo sa bench sa tapat ng gate ng bahay namin at hinihintay siya.

"Yung mga gamit nila baby, nailagay mo ba?" tanong ko at tumango na naman siya. Ready na raw ang lahat at pwede na kaming umalis. 

Sabi ni Trey, magbabakasyon daw kami sa bahay ng lola niya for two days. Doon niya naisip kasi matagal na raw silang hindi nagkikita. Baka nga raw hindi pa nito alam na kasal na siya at may mga anak. Lola's girl daw kasi siya noon. Nakakalungkot nga lang at kinailangang lumipat ng lola niya. Ang sabi pa niya, ngayon daw ay mag-isa nalang ang lola niya kasi nag-asawa na raw yung bunsong anak nun na tita niya.

Kinarga niya si Theana tapos ako naman kay Marki. Mas mabigat kasi itong baby girl namin kaya siya na ang kumarga. 

"Excited na kayo, mga anak?" tanong niya sa kambal pagkapasok namin sa kotse. Medyo nahihirapan na naman ako kasi kambal 'tong kandong ko. Sabi nga Trey lagi, dun nalang kami sa likod umupo kaso ayaw ko naman dun kasi magmumukha siyang driver namin. "Alis na tayo, ah?"

Nag-drive na nga siya. Itong kambal, kahit baby pa, tuwang tuwa na parang alam na alam na nila ang mga nangyayari. Nakikipagsabayan sila sa ingay ng daddy nila. May pa-hum-hum pa kahit ang gulo gulo naman. Pero siyempre natutuwa ako sa kanila. Ang cute cute kaya nilang dalawa!

"Dadaa, birrdd! Flyyy!" tuwang tuwang turo ni Marki dun sa mga ibon na sama-samang lumilipad. Ginaya-gaya pa niya yung mga ibon sa pamamagitan ng paggalaw niya sa mga kamay niya. 

Itong baby girl ko tuloy, nakigaya. Hirap na hirap tuloy ako sa kanila.

"Uy, anak, wag malikot. Kawawa naman si Mommy niyo oh," saway na ng daddy nila pero hindi naman sila nagpaawat.

Nakakatuwa talaga 'tong mga anak ko. Napakatatalino. Minsan, tinatanong ko nalang kung kanino ba talaga sila nagmana kasi sobrang bright nila sa murang edad nila.

Di nagtagal, natahimik na rin yung biyahe namin. Mukhang na-lowbat na yung kambal kaya naman nakatulog na silang dalawa sa'kin. Medyo mas madali 'to kaysa kanina na makukulit sila pero nakakangalay din. Siguro dapat talaga sinunod ko yung advice ni Paris na bumili ako ng baby basket para hindi mahirapan.

Yung magaan na pakiramdam ko simula pa kanina, biglang napalitan na naman ng kaba nang maramdaman kong nag-vibrate yung celphone ko. Pakiramdam ko guguluhin na naman niya ako. Ano ba naman 'yan? Akala ko tinantanan na niya ako. Hindi na siya kasi ulit nanggulo simula nung gabi na 'yon. Pagbukas ko noon sa phone ko, iisang text nalang ang galing sa kanya at ang sabi niya, pag-isipan ko raw mabuti. Simula non, hindi na siya nanggulo kaya nakampante na ako. Pero ngayon, sana naman hindi siya 'to.

Kahit ayaw ko, nilabas ko pa rin yung phone ko para i-check 'yon. Titignan ko palang 'yon nang magsalita si Trey.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon