19: Past
-HAN-
Tinanguan ko lang kanina si Chase sa sinabi niya. Alam din pala niya na ang tungkol sa pagbabalik na sa Pinas ni Abigail. Mabuti at hindi na nagbuklat pa ang tungkol doon. Hindi pa rin kasi alam 'yon ni Marley. Hindi naman dahil sa gusto kong ilihim. Talagang hindi ko na rin kasi naaalala ang tungkol doon. Matagal ko na 'yong kinalimutan, kaya walang dahilan para sabihin ko pa sa asawa ko. Pero syempre, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ko ring sabihin ang totoo sa kanya. Hindi rin naman kasi malabo ma magkrus ang landas nila.
Bandang tanghali na nang magpresinta kami ni Chase na bilhan ng pagkain ang mga asawa namin. Ayaw kasi nilang lumabas kahit na maiiwan naman doon si Thek at Theana, kaya naman kami nang dalawa ang bibili. Sa malapit na drive thru lang sana kami bibili, pero naisip namin na mas matutuwa yung dalawa kapag yung paborito nilang pizza yung bibilhin namin, kaya naman sa Pizza Hut na kami tumuloy. Medyo malapit naman 'yon sa ospital kaya praktikal ding puntahan.
Umorder kami ng take out na kakasya sa'ming mag-a-asawa, at pati na rin kina Thek, o kina Mama baka sakaling pumunta sila. Habang naghihintay kami, nai-open na naman ni Chase ang tungkol kay Abigail.
"So, how do you feel?" tanong niya sa'kin nang mabanggit nga niya 'yon.
Nagkibit-balikat lang ako. "Ayos lang."
"Hindi awkward? Hindi weird?" tanong pa niya.
Tumawa naman ako. "Bakit naman, pre? Magkikita lang naman tayo ulit. Hindi na rin naman siya iba sa'tin, di ba?"
"Kung makapagsalita ka, parang di mo siya naging ex, ah." Tinatawanan na rin niya ako nang kaunti. "You were a good couple back then."
"Gwapo ako kaya malamang kahit kanino mo ko ipares, bagay at bagay kami. Magaling yata 'to magdala," birong pagyayabang ko.
"Pamilyado ka na pero andyan pa rin pala ang pagiging playboy mo."
Kinontra ko siya agad. "Hindi naman ako playboy ah! Loyal kaya ako lagi!" Totoo naman eh. Dahil gwapo ako kaya siguro nagmumukha akong playboy, pero hindi talaga, ah. Itanong niyo pa sa asawa ko o kaya kay Abigail.
"But I hope you already got rid of that loyalty to Abigail," sabi pa ni Chase. "I know how you, two, loved each other way back then." Siyempre alam niya. Saksi kaya siya.
Kakapasok ko palang sa college nun nang makilala ko silang dalawa. Close friends sina Chase at Gail noon. Close din daw kasi yung mga magulang nila since highschool. If it were not because of Agatha, iisipin kong may something sa kanila. Pero wala naman talaga. We became friends hanggang sa dumating na rin sina Gio at Haris. We became more than friends just after a couple of months. Nanligaw ako. Sinagot niya ako. We became together in a relationship. We were doing fine. We were getting stronger, hamggang sa dumating na nga lang yung oras na pinili niyang bumalik sa US. That's when we were almost a year together.
Nalungkot ako nung mawala siya. Seryoso naman kasi talaga ako sa nararamdaman ko noon sa kanya. Naging mahirap sa'kin yung mga unang linggo at buwan. Na-depress ako nun. Hindi ako makapag-focus at kahit sila Chase, hindi ako makausap nang matino. Lecheng pag-ibig--iyon pa ang lagi kong nasasabi non pag napagtatanto ko na katawa-tawa na ko para mabaliw nang ganon dahil lang sa pagkawala ng isang babae. Haha.
Pagtapos ng ilan pang panahon, nalaman ko ngang worthy ang nangyari sa'min. Hindi ko 'yon pinagsisihan lalo na nang makilala ko yung babaeng may yellow ribbon sa buhok at palinga linga sa college building namin ni Chase. I can still remember how our eyes first met. Gandang ganda ako nun sa mga mata niya. Pati na sa mukha niya. Tanda ko pa kung pano nagliwanag ang mukha niya nang ma-recognize niya yata ako. Ngumiti siya noon, at kaya ko pang makita sa isip ko ngayon kung ano ang itsura niya noon. Nagulat pa ko noon nang bigla siyang tumakbo palapit sa'kin.
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Fiksi Umum[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)