11- Calls

1.8K 23 3
                                    

11: Calls

-NI-

"Ngingiti- ngiti ka dyan? Ha?" Hinigpitan ko yung neck tie na inaayos ko sa kanya para masakal siya nang konti. Ang aga-aga kasi, nang-aasar na yung mga tingin niya.

"Aw! Teka. Nakakasakal, Ni!" Medyo niluwagan ko yung neck tie. "Ikaw naman eh. Para naglalambing lang." Nginitian niya ako nang wagas na para bang gusto kong magwala sa kilig. May kasama pang kindat 'yon at hawak sa baba ko.

"Pumasok ka na nga." Baka mamaya hindi na kita paalisin ng bahay dahil sa ginagawa mo.

Nginitian niya ako at hinalikan sa labi tapos ay nagpaalam na. Yung kambal, tulog pa rin sa taas kaya dumiretso na siya sa labas. "Ay, Ni!" Bumalik pala siya. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. "Magluto ka mamaya. Dito ako magdi-dinner. Sabay tayo."

Napangiti naman ako. Pinanood ko siyang umalis habang nagwi-wave ako ng goodbye.

Isasara ko na sana yung pintuan ng may isang lalaki akong natanaw mula sa labas. Nakasuot siya ng medyo kupas na dark blue polo, pantalon, at blue cap. Sa tantya ko ay ka-edad niya si Mama. Palingon-lingon siya dito sa bahay. Maya-maya, tumatawag na siya ng "Anak".

Napalabas na ako para tanaungin kung sino ang hinahanap niya. Hindi ko muna binuksan yung gate kasi mahirap na, baka masamang tao 'to at bigla nalang kaming pasukin sa loob.

"Si Trey? Dito siya nakatira, di ba?" tanong niya habang pilit pa ring tinatanaw ang loob ng bahay namin.

"Bakit po? Ano pong pakay niyo sa kanya?" tanong ko.

Naging malungkot yung mukha niya na para bang gusto ko biglang makisimpatya sa kanya kahit wala naman akong nalalaman. Huminga siya nang malalim, napatingin sa langit, at saka nagsalita. "Gusto ko na sanang makipagbati sa anak ko."

Napakurap ako sa narinig ko. Anak niya? Si Trey?

"Matagal na rin kaming hindi nagkita ng anak ko. Mas pinili ko kasi noong lumayo kasi nag-away kami ng nanay niya. Maliit na bagay lang 'yon kung tutuusin pero umalis pa rin ako. Hindi ako nag-isip," pagkukwento niya.

Ayaw ko sanang maniwala pero mukha namang seryoso siya at totoo ang mga sinasabi niya.

"Gusto ko na sanag ayusin ang lahat, kaso ayaw niya. Ilang beses ko siyang tinext o tinawagan pero wala talaga. Ayaw niya akong kausapin."

Dama kong nasasaktan talaga siya. Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya at naririnig ko yon sa tono ng pananalita niya.

Hindi ko alam na buhay pa pala ang tatay ni Trey. Wala naman kasi siyang kinikwento. Pag nag-o-open ako ng topic na yon, halatang umiiwas siya kaya hindi ko na tinutuloy ang pang-uusisa. Hindi ko alam na ganito pala.

"A, pasensya ka na. Nagdadrama na pala ako masyado." Tumawa pa siya kahit pilit. "Wala ba siya?"

"Wala po eh. Kakapasok lang po sa trabaho."

"Ah, ganun ba? Sige, salamat nalang. Wag mo nang sabihing dumaan ako rito," sabi niya. "Mauna nalang ako." Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Gusto ko siyang tawagin at tanungin pa pero di ko na ginawa. Pumasok nalang ako sa loob tutal narinig ko na rin ang kambal.

***

Hindi ako binigo ni Trey. Alas siyete, nakauwi na siya sa bahay. Sinabayan niya ako sa pagkain ng hinanda kong mixed seafood na paborito niya. Kita mo 'tong lalaking 'to, pwede naman pala yung ganito, puro pa siya tanggi nung nakaraan.

"Medyo maluwag ang schedule mo ngayon, ano?"

Tumawa siya. "Kaya nga. Sulitin na natin kasi lakiramdam ko ngayon lang 'to."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon