23: Presentiments
-NI-
"Ugh, tama na nga, Han," pigil kong salita sa asawa ko. Napagbigyan nung nakaraang gabi, naging abusado na masyado. Porke hindi ako tumatanggi, nagpapaka-oportunista na. Gabi-gabi, uma-umaga nalang. Jusko. "M-magluluto ako ng almusal natin."
Natatawa siyang tumigil at nahiga nalang ulit sa tabi ko. "Pabitin ka, Ni."
"Ikaw kaya ibitin ko? Umagang umaga na oh. Baka mamaya magising na yung kambal," sabi ko naman. "Masyado kang nag-e-enjoy."
"Ako naman kaya ang magluluto, Ni?" tanong niya na ikinangiti ko. First time 'yon, ah? "Nang matikman mo naman, Ni, ang masarap kong luto na may kasamang pagmamahal!"
Naupo ako agad. "Dalian mo na pala!"
"Grabe! Excited masyado sa luto ko?" Bumangon na rin siya at magdamit. Sinabi niyang maghintay nalang ako, at nauna na siyang bumaba.
Hindi ko mapigilang mangiti. Ang saya namin nitong mga nakaraang mga araw. Hindi gaya noon, ang light nalang lagi. Wala na kaming pinuproblemang anak na may sakit. Madalang nalang din kung maki-epal sa'min ang mga nanay namin. Perfect na talaga, wag lang akong guguluhin ni Frank. Pefect na, magbati nalang ulit sina Daddy Rodrigo at Trey.
Hay. Speaking of Daddy Rodrigo, hindi ko talaga alam kung paano ko sila pagbabatiin. Tuwing susubukan kong i-open yung topic, agad nagchi-change topic si Trey. Halatang masama talaga yung loob niya sa tatay niya. Pero in the soonest time possible, itinago ko sa bato, tutulungan ko si Daddy Rodrigo at magiging magkaayos din kaming lahat.
Umiyak bigla si Theana kaya agad akong tumayo at inalo siya. Nanghihingi pala ng gatas. Mukhang nagutom sa pagtulog ang baby ko. "Wait lang, baby. Magtitimpla na si Mommy." Ibaba ko sana siya pero ayaw niya. Wala tuloy akong choice kundi ang bumaba kasama siya para mag-prepare ng milk niya.
Nasa hagdanan palang ako pero amoy na amoy ko na yung niluluto ng asawa ko. Mukhang nagsasangag siya. Yun lang naman kasi ang alam kong niluluto niya. Pumunta ako sa kusina. Bukod sa pagluluto ni Trey, may isa pa pala siyang surprise sa'kin--surprise na never ko talagang inasahan.
Tumikhim ako para maramdaman naman nung dalawa ang presensya namin ni Theana. Kung hindi ko pa uulitin yung pagtikhim, hindi pa yata kami nila mapapansin. Agad namang lumayo si Trey na halatang nagulat sa pagsulpot ko. Si Thek naman, napakagat-labi nalang at nag-excuse palabas ng kusina.
What the heck! Ugh! Leche!
"Ni, a-ahmm..." Ang magaling kong asawa, hindi pa alam ang sasabihin. Hirap yatang pagtakpan ang kagaguhan niya. "Uy, Ni."
Inirapan ko siya. Nagdiretso kami ni Theana sa may counter area para kumuha ng feeding bottle. Sa ganito kasi umiinom yung kambal pag bagong gising o walansa mood.
Magtitimpla nga pala ako. Yon nga pala ang ibinaba namin dito.
"Ni, naman. Marley, huy." Sinundan niya ko. "Wag ka nga mag-isip ng iba dyan. Ayan ka na naman eh."
Hindi ko siya pinansin. Ayokong makipagtalo nang ganito kaaga. Lumipat ako sa may kabilang side para kumuha naman ng maligamgam na tubig. Si Trey naman, sumunod ulit sa'kin. "Ni, pansinin mo nga ako. Ayan na naman tayo eh. Ayan ka na naman. Gumagawa ka na naman ng sarili mong conclusions."
Padabog kong binaba yung termos pagkatapos kong magsalin, at hinarap siya finally. "Bakit, Trey? Ano sa tingin mo ang iisipin ko kanina? Aba leche, kay aga-aga tapos ganon?"
"O? May kinuha lang ako kanina sa shelf. E andun si Thek. Wala naman kaming ginaga--"
"Uso mag-excuse di ba?" sabat ko sa kanya. "Bwiset. Ang sabihin mo, dahil binitin kita kanina, sa iba ka humahanap ng malalandi mo. Tss. So, palusot mo lang ba yang pagluluto mo para makalandi ka rito?"
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Aktuelle Literatur[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)