7- 23rd of March

1.8K 31 2
                                    

7: 23rd of March

-NI-

Ordinaryong araw at mga linggo lang ang lumipas. Parang paulit-ulit ang nangyayari sa mga araw ko. Gigising pa rin nang maaga sa umaga para maghanda ng breakfast ni Trey at asikasuhin siya kahit papano. Kahit kasi may katulong kami, ayokong i-asa 'yon sa kanya. Para sa'kin kasi, yung mga bagay na 'yon, ako lang ang dapat na gumagawa. So, ayun nga. Habang nagluluto ako, magigising na rin si Trey para maligo na at gumayak, tapos aayain niya akong mag-breakfast. Pagkatapos namin, sakto namang gigising na yung kambal, so sa kanila naman yung attention ko. Pagkaalis ni Trey, dalawa naman kami ni Thek ang mag-aalaga sa mga bata habang nanonood ng tv o minsan naman kumakain ng snacks. Kapag tulog yung kambal at hindi ako pagod, tutulungan ko si Thek sa paglilinis ng bahay. Minsan naman, sinasabayan ko ng tulog yung mga bata. Pag hapon na, ako pa rin ang nagluluto ng hapunan namin ni Trey. Gaya ng breakfast, ayokong i-asa 'yon sa kasambahay namin.

Ang kaso nga lang ngayong mga nakaraang araw, halos hindi na kumakain ng dinner dito sa bahay si Trey. Minsan, didiretso na siya agad sa kwarto at matutulog nang walang kain-kain. Minsan naman, kumain na raw sila ng mga officemates niya sa labas. Kadalasan tuloy, naiiwan lang yung mga niluto ko, o kaya si Thek lang yung kumakain. Kapag hindi kasi kumakain si Han, ayoko na rin. Nakakawalang-gana kaya. Hay, lately, masyado na siyang naka-focus sa work niya, pero buti at hindi naman siya late umuwi. Masaya pa rin ako kasi hindi niya napapabayaan yung sarili niya. Pero ewan. Nanghihinayang ako s mga niluluto ko.

Kakatulog lang ng kambal dahil napagod yata sa kakalaro buong maghapon. Tinawag ko si Thek na agad namang umakyat at pumasok dito sa kwarto.

"Yes?" magiliw niyang tanong sa'kin. So far, so good naman kaming dalawa. Unlike noon, unti-unti ko na rin siyang nakakasanayan at naiintindihan. Lapitin lang talaga ako ng misinterpretations.

"Pakibantayan muna yung dalawa. Baka magising o kaya malaglag sa kama eh," nakangiti kong pakisuyo sa kanya.

Naningkit yung mga mata niya. "Bakit, 'Te Marley? Magluluto ka ulit ng dinner?" Sa tono niya, parang ayaw niya akong paglutuin. Alam din kasi niya yung eksena namin ni Trey lately pagdating sa dinner.

Nginitian ko siya at tinanguan pagkatapos ay bumaba na ako. 

Bago ako pumasok sa kusina, nahagip ng mata ko yung nakasabit na calendar namin at pati na yung katabi nitong wall clock.

March. Iyon ang buwan na nakalagay sa taas ng kalendaryo. March 23 to be exact. Nangingiti na naman ako. Magluluto ako ng dinner ngayon kasi alam kong walang excuse si Trey ngayon. Alam kong parehong mahalaga ang araw na 'to sa'ming dalawa. Ito rin kasi yung araw kung kelan ko siya sinagot noon.

6: 17 PM. 'Yon naman yung nasa wall clock. I still have enough time para magluto.

Nagmadali akong pumunta sa may fridge para tignan kung ano yung laman nun. Eksaktong kumpleto ang mga ingredients ng favorite dish ni Trey. Kinuha ko agad ang mga 'yon at dinala na sa may marble table sa kusina. Kinumpleto ko lahat ng sangkap at sinimulan na ang pagluluto. Mixed seafoods na ginataan at pinaanghang ang gagawin ko. Para kasi siyang nawawala sa sarili niya kapag nakakakain siya nito--I mean, sa sobrang sarap at paborito niya.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon