33- Birthday

1.7K 22 1
                                    

33: Birthday

-HAN-

"Pre, paano kung ayaw niya? Paano kung paalisin niya ako?" Nag-aalala kong tanong. Nakagayak na ako pero heto pa rin ako at nagdadalawang isip na pumunta sa party ng mga anak ko. "Ayokong masira yung araw ng dalawa. Pre--"

"Pre, calm down!" natatawang saway sa'kin ni Chase. "Look, everything's settled.Nag-effort ka--tayo para rito tapos hindi ka pupunta? Come on, pre. Wag ka na kasing mag-isip masyado."

"Pero--"

"Ola! Oy! Kamusta?" Nagdatingan dito sa bahay ang dalawa pang ugok. Ngayon lang sila nagparamdam palibhasa nakaamoy ng kainan. Noong namomroblema ako, wala sila. Tsk tsk.

"Haris, Gio, take charge. Ayaw makinig niyang si Trey," sumbong ni Trey.

"Pre naman! Wag ka nang mamroblema!" salita ni Gio na akala mo ay may alam sa buhay ko. "Teka, bakit ba?"

"Ts. Ewan ko sa inyo." Iniwan ko sila. Binalikan ko sa kwarto yung binili kong regalo sa kambal. Dalawang malalaking teddy bears 'yon na binili ko sa mall. Kung sabagay, tama si Chase. Oras na nga siguro para harapin na talaga si Marley. Birthday ngayon ng mga anak ko. May karapatan din silang makita ako ngayon. Kinuha ko yung mga regalo ko at binaba. "Tama. Gusto ko ring ako mismo ang mag-abot sa kanila nito."

"Woy, pre! Gago ka talaga!" sigaw ng lokong si Haris mula sa baba ng bahay ko. "Birthday ng nga anak mo tapos wala kang balak sumipot? Hoy!"

"Tangina, makamura ka naman, Gio!" sigaw ko rin habang pababa. "Malamang pupunta ako!"

"Good then. Tara na. Naghihintay na sila sa bahay." Tinulungan ako ni Chase na ipasok sa kotse niya yung dala ko. "Ay, yung cakes pa pala."

Kina Chase gaganapin ang party ng kambal. Mas maluwag kasi ang pwesto nita. May mga gamit na rin doon kaya mas praktikal na doon nalang. Kami ang naghanda ng party. Sa'kin nanggaling ang mga ideya kasi ako naman ang nakakakilala sa kambal. Hello Kitty at Sponge Bob themed ang party nila kasi iyon ang paborito nila.

"Trey, wag ka nang kabahan diyan." Tinawanan niya ako at tinapik pa sa balikat.

Huminga ako nang malalim.

Excited na rin ako, pero kinakabahan pa rin. Bahala na mamaya.

-NI-

I've never been this happy in the past two months. Ngayon lang ako ngumiti nang ganito kalapad. Wala talagang nakakapagpasaya sa'kin nang ganito kundi ang mga anak ko.

After all, they are the sunshine in my gloomy world. They are my happiness.

Pumasok sa loob si Paris na karga naman ang anak niya. "Wow! Ang ganda ganda naman ni Theana! Ang gwapo gwapo rin naman ni Marki!"

Nandito kami sa bahay nila kasi dito nila inayos yung party ng kambal.

Kakatapos ko lang ayusan ang mga anak ko. Ang ganda at ang gwapo ng mga anak ko. Simpleng dress at polo shirt lang ang binihis ko sa kanila na parehong color red. Naiiyak na tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit. Hay. Mas masaya siguro 'to kung kumpleto at masaya pa rin ang pamilya namin.

Hay, Trey... pati ba naman birthday ng mga anak mo, palalampasin mo? Ganon ganon nalang ba talaga at kaya mo na silang tiisin ngayon?

"Pretty pretty at pogi pogi talaga!" Pinanggigilan ng magaling kong best friend ang mga anak ko. "Mag-selfie tayo tapos mag-ready na tayo sa baba. For sure ay magdadatingan na rin ang mga bisita maya maya."

"Hm, si Chase?" tanong ko.

"Ah! Yung cake, dinaanan na niya," sagot ni Paris na medyo naging uneasy. Nilabas niya yung phone niya at pumwesto sa'min. "Tara na! Selfie selfie! Three, two, one... say cheese!"

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon