Check the previous updates baka may na-miss ka na.
17: A Matter of Us
-HAN-
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka nabibigla ka lang?"
"Trey, nakapag-isip na ko. Sasama na ulit ako kina Mommy at Daddy. Bukod sa kailangan din nila ako, I'm sure na may mas magandang opportunities din na naghihintay sa'kin dun."
"Pero paano ako? Pano kami ni Chase?"
She laughed. "Of course, you'll be fine."
"Ako, hindi. Paano nalang tayo?"
"What about us?"
"Ano ba namang tanong 'yan? Mahihirapan tayo pag magkalayo tayo. Ako, honestly, hindi ko kaya 'yon."
"That's why I'm setting you free. Hindi naman natin kailangan mag-stick sa meron tayo ngayon. It'll be nonsense. Magkakalimutan din naman tayo for sure, and knowing how handsome you are and how pretty I am, tiyak na may makikilala din tayong iba."
"Hindi nakakatawang joke 'yan."
"Hindi rin naman ako nagju-joke, Trey. I'm really serious about my plans, and I'm decided."
"Iiwan mo talaga ako?"
"Please, Trey. Don't make it hard for me. Isipin mong para 'to sa ikabubuti ko."
"But..."
"No buts. I'll come back in time. We'll still see each other again so don't worry. That time, saka natin malalaman kung meant talaga tayo, or we should thank each other for setting each other free."
*
"Mr. Salves?" Si Mr. de Guzman, pumitik na sa harapan ko para magising ang diwa kong nakapaglakbay na sa nakaraan.
Medyo nagulat pa ko sa kanya. Masyado kasi akong seryoso sa pag-iisip. "Ah, p-po?"
"Aren't you going home?" tanong niya. Doon ko napansing hawak na niya yung brief case niya at ready-to-go na siya.
Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa desk ko. Pinindot ko yung isang key para umilaw at makita ko yung oras. Past six na pala. Naalala ko yung message ng asawa ko kanina. Pinapauwi pala niya ako agad. Mag-o-overtime nga sana ako pero hindi nalang muna. Kahit sinabi niyang wala namang problema nang tanungin ko siya kanina, alam kong meron.
"Sige, uuwi na rin ako. Magliligpit lang ako," sabi ko kay Mr. de Guzman.
"Sige, mauuna na kami," paalam niya, "Kamusta nalang sa anak mo. Sana gumaling na siya agad."
Nginitian ko siya. "Sige ho. Thanks."
Umalis na nga siya at pati na rin yung iba ko pang kasamahan. Iilan nalang kamk rito na nagliligpit at pauwi na rin.
Habang sinasara ko yung bag ko, naalala ko na naman yung kanina ko pa iniisip. Ts. Bumalik talaga siya. Ang galing din at sa iisang kumpanya pa kami magtatrabaho. Pero ayos na rin 'yon. Para naman mapasalamatan ko siya gaya ng sinabi niya noon. Kung di dahil sa ginawa niya noon, wala sana ang asawa ko ngayon at pati na yung kambal namin. I really shoud have to see her to thank her.
***
Sa ospital ako unang pumunta pagkagaling ko sa trabaho. Medyo nagmamadali pa ko kasi nga maaga nga pala ako pinapauwi ni Marley. Pagdating ko naman dun, si Thek lang ang kasama ni Marki sa kwarto. Nang tanungin ko kung nasan si Marley, sinabi ni Thek na baka raw umuwi sa bahay at kasama si Theana. Naikwento rin niya yung nangyari raw kanina. Nag-away daw sila Mommy at mama Marlene. Nadamay pa raw si Marley, kaya tiyak na 'yon ang pinuproblema niya at dahilan kung bakit umuwi siya bahay. Nagpaalam ako kay Thek at binilin muna ulit si Marki. Sinabi kong tumawag nalang siya pag pumunta at may sinabi ang doktor. Tapos nagmamadali na kong umuwi sa bahay.
Naka-lock yung pintuan ng bahay nang abutan ki, pero alam kong nasa loob nga ang asawa ko kasi nakabukas naman ang ilaw. Binuksan ko yung pintuan gamit ang susi ko at saka pumasok na sa loob.
Si Theana, nakita kong natutulog sa may playpen niya sa sala. Yakap-yakap pa niya yung teddy bear niya. Hay. Siguro nami-miss na niyang makalaro ang kapatid niya.
Mula sa anak ko, napunta ang atensyon ko sa may kainan namin. Nandoon yata si Marley, kaya naman pumunta ako roon.
Hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya nakaupo mag-isa at parang nagmumukmok. Hindi pala, umiiyak pala siya. Siguro dahil dun sa sinabi ji Thek.
Lumapit ako sa kanya at tumayo sa likod niya, at niyakap siya. "Ni."
Hinawakan niya yung kamay ko na nasa kanya. "Hindi ko sila maintindihan, Han." Alam kong mga magulang namin ang tinutukoy niya. "Bakit ba hindi nila tayo matanggap? Anak nila tayo kaya masakit para sa'tin. Hindi ba nila naisip 'yon? Ang selfish nila para ipagkait yung suporta nila para sa'tin. Nagmamahalan lang naman tayo, di ba? Hindi naman pagiging selfish 'yon sa nararamdaman nila, di ba?"
"Hindi, Ni. Sila lang talaga yung may problema," sabi ko naman. "Sila lang yung ayaw tayong intindihin. Sila lang yung tayong pagbigyan. Kung may problema man, nasa kanila 'yon at wala na sa'tin."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila, Han." Umiiyak ang asawa ko. Ay naman, bwisit talagang problema 'to.
"Ako rin, hindi ko na alam kung pano ilulugar ang sarili ko sa kanila--mapa-sa nanay mo o kahit kay Mommy na rin. Pero sabi mo nga, intindihin nalang natin sila. Respetuhin nalang muna natin kung ano'ng iniisip nila. Wala naman tayong magagawa kundi yun lang eh," sabi ko sa kanya.
"Ang sakit pala talaga, ano? Ang sakit na malamang rejected ka ng sarili mong mga magulang."
Hindi ko alam kung pano ko siya aaluin sa sinabi niya. Iyon din naman kasi ang narardaman ko at masakit at masama ang loob ko tungkol don. Mahirap talaga. Masakit talaga. Dapat sila yung karamay namin sa problema namin pero sila pa yung nagbibigay ng problema sa'min.
Inalalayan ko nalang siya patayo at kinulong ko sa yakap ko. Pinabayaan ko siyang iiyak ang lahat ng nararamdaman niyang sakit ngayon. Umaasa akong makakatulong 'to para kahit papano e mabawasan at gumaan ang mabigat na nararamdaman niya.
"Ni," bulong ko sa kanya nang medyo kumalma na siya sa pag-iyak.
"Mm?"
"Wag na natin silang problemahin masyado, ah? Simula ngayon. Tayo naman yung mag-asawa eh. Sa atin pa rin dapat nakasentro ang lahat, at hindi sa kanila. Ang mahalaga, mahal natin ang isa't isa. Hinding hindi nila 'yon maaapektuhan at mababago kahit ano'ng mangyari, di ba?" Yakap-yakap ko pa rin siya. "Hindi nila hawak ang buhay natin, Ni. Hindi sila ang may suot ng singsing natin. Hindi sila ang magdidikta sa'tin. E ano kung hindi sila boto sa'tin? E ano kung ayaw nila sa'tin?"
Umiling si Marley.
"E ano, di ba, Ni? Mahal mo naman ako at mahal na mahal naman kita. Yun pa rin ang mahalaga. Yun pa rin ang kailangan natin. Hindi sila, o kahit sino pang iba. Ikaw at ako lang. Tayo lang. Pati mga anak natin."
Tumango si Marley. Hinalikan ko ang buhok niya, kasabay ng pagyakap ko pa sa kanya.
Hinawakan ko ang baba niya nang marahan at nilapit ang mukha ko sa kanya. "It's a matter of us, not them. It's a matter of how we love each other, not a matter of how they hate us." Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Mahal na mahal kita, Ni. Tandaan mo 'yan."
Ngumiti siya sa'kin. "Alam ko. At mahal din kita, Han."
Nilapit ko nang tuluyan ang mukha ko sa kanya at hinalikan na siya nang marahan kasabay ng pagpikit niya at pagtugon din sa halik ko. Ugh. I missed this. Sobra.
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Ficción General[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)