Chapter 1: Beginning of Forever
-HAN-
"Will you take Marley Gonzales to be your wedded wife from now on, to be with you forever in anything you to may face?"
Bagama't nanginginig sa pinaghalong kaba at kasiyahan, nginitian ko ang pinakamagandang babaeng nakilala ko at saka sumagot, "Yes, father, I do."
"And do you take him, Trey Salves, to be your wedded husband, to be with you forever in good times and in bad, in sickness and in health?"
Nginitian din ako ni Marley. Yung mata niya, maluha-luha na. "I do."
Iyon na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Pagkatapos kasi ng lahat-lahat, pinakasalan na rin ako ng babaeng pinakamamahal ko. Hanggang ngayon, kayang kaya ko pa ring makita sa isip ko yung mga nangyari noon--kung gaano kami kasaya, kung gaano kasaya ang mga tao sa paligid namin (kahit na medyo hindi medyo hindi okay sa'min ang mga magulang namin), kung gaano siya kaganda noon, at kung gano namin kamahal ang isa't isa. Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan at pinagtagumpayan namin sa loob ng pitong taon, doon din kami tapos... at syempre, para sa panibagong chapter ng buhay namin, doon din kami magsisimula.
Okay. Sabihin na nating hindi talaga biro ang buhay-may asawa. May punto sa buhay ko na sinabi kong sana hindi ko muna minadali, pero kapag nakikita ko naman ang asawa ko, pati na ang mga anak namin, nawawala na yung pag-aagam-agam ko. Wala akong dapat pagsisihan. Mahal ko sila eh. Mahal na mahal na mahal. Dahil din sa kanila, masaya at kumpleto ang buhay ko ngayon.
"HAAAN!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko na naman ang alarm ko tuwing umaga--ang pinakamaganda kong alarm clock. Bago pa niya ako batuhin ng unan o kung ano, bumangon na ako agad. Nakita ko nga siyang nakatayo sa may harapan ng kwarto namin. Naka-bun ang walang suklay-suklay niyang buhok kagaya ng lagi niyang ginagawa. Naka lose sando siya, naka-short shorts at naka-apron. Napalunok tuloy ako. Ang sexy talaga ng asawa ko. May hawak din siyang sandok. Mukhang nagluluto siya ng almusal namin. Asawang asawa na talaga ah.
Nginitian ko siya. "Good morning, Ni!" Tapos syempre, tumayo ako para yakapin siya, pero bigla nalang niya akong tinulak.
"Tanghali na, puro tulog ka pa rin dyan! Bwiset ka talaga kahit kelan!" sigaw niya sa'kin. Aba! "Kung inalagaan mo yung mga anak natin, e di natuwa ako sa'yo?"
Tignan mo 'tong asawa ko. Lagi nalang mainit ulo sa'kin. Kung sigawan ako, akala mo kung sino. Nako, pasalamat siya't mahal ko siya.
"Ni, naman," paglalambing ko sa kanya. Bakit ba tuwang tuwa talaga ako sa tawagan namin sa isa't isa? Han at Ni. Kapag pinagtabi, 'Honey'. Ako si Han at siya naman si Ni. O di ba? Ang sweet lang. Ako ang nakaisip niyan! "Kita mo namang gabing gabi na ko nakauwi dahil sa trabaho. Syempre, babawi ako ng konting tulog ngayon. Pero kung ayaw mo, o de ito na. Wag ka nang sumigaw. Ang aga-aga eh." Inakbayan ko pa siya at hinalik-halikan sa pisngi niya.
"Ewan ko sa'yo," pagtataray pa rin niya. "Kung makapagreklamo ka, akala mo naman hindi ako napapagod. Ang hirap kaya alagaan nung kambal. Tss. Kung bakit ba naman kasi hindi mo nalang ako pinabayaang magtrabaho eh."
Ay naman! Ito na naman ba kami? Paulit-ulit nalang ba kami? Gusto kasi niyang magtrabaho raw, e kaso ayoko nga. Gusto ko kasi hindi na siya magpapakapagod. Oo, anong henerasyon na, pero bakit ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/29436038-288-k938058.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Ficción General[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...