10- Make Up

2K 33 7
                                    

10: Make Up

-HAN-

Nagkagulatan pa kami ng buong barkada nang datnan ko sila sa bahay ni Chase. Nagkataon palang nandito kaming apat at kumpleto. Dito ako dumiretso pagkatapos ng pagtatalo namin ng asawa ko kanina.

Medyo nagsisisi ako ngayon sa ginawa kong pag-alis ngayon nang walang paalam at pati na sa inasal ko kanina sa kanya. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin gustong sabihin 'yon, pero mas hindi ko gusto yung pinag-iisipan niya ako ng masama kahit na para sa kanila naman talaga ang lahat ng ginagawa ko.

Oo, aminado naman akong nagkukulang na ako sa kanila, pero para sa kanila rin 'yon. Kung may iba nga lang na paraan bukod sa trabaho ko, 'yon na ang pipiliin ko, pero wala e. Sayang naman kung bibitawan ko yung magandang posisyon ko. Tama nang magsakripisyo ng panandaliang oras kaysa naman itaya ko ang buong kinabukasan namin.

"Ayos, kumpleto tayo." Sinenyasan ako ni Gio na maupo sa tabi nila.

Mga nakaupo silang lahat sa sala at mukhang nagkakatuwaan. May kutkutin sa mesa at may pelikula naman sa rv screen.

"Nagkakatuwaan na pala kayo tas di man lang ako inimbitahan. Yan tayo eh." May biro kong sabi sa kanila.

Si Paris na busy sa pagpapakain sa anak nila ang nagsalita. "E akala ko may moment kayo ngayon ng asawa mo eh. Magkasama kami kanina mag-grocery tapos gagawa raw siya ng cookies. Naisip kong family day niyo ngayon kaya sinabi ko kay Chase na wag na kayong istorbohin. Lalo na't ngayon lang ulit kayo makakapag-bonding dahil sa busy sched mo."

Ah, bonding. Ay naman. Iyon din ang inaasahan ko para ngayong araw. Gusto ko lang e makasama ang pamilya ko kagaya ng dati, pero dahil sa lintik na pagtatalo namin kanina, heto ako ngayon at nasa bahay ng barkada ko imbes na sa'min.

"Huy."

Napakurap ako. "Ha?"

Napakamot sa ulo si Haris. "Takte, may problema ka ba, ha?"

"Problema? Wala ah. Wala."

"Hay nako, gago, kami pa ba lolokohin mo?" si Gio naman.

"Best friend ko, ano?" tanong ni Paris.

Napaayos ng pagkakaupo ang barkada ko. "Nag-away kayo?"

Si Gio, sumabat, "Lagi naman yata eh. Sila pa!"

Natawa nalang ako nang mapakla. Kung sabagay, medyo hindi naman bago yung sinisigawan niya ko, pero iba pa rin yung kanina. Ay naman. Ewan ko. Inapakan niya pagkatao at pagkalalaki ko kanina.

"Hindi nga, Trey? May problema talaga kayo ng best friend ko? Ang weird at ang lungkot din niya kasi kanina eh. Hm, actually, nung nakaraang araw pa."

Ay naman. Hindi talaga ako sanay na ako ang topic ng buong tropa. Ang lakas maka-hot seat.

"Tss. Nagtatampo lang yon. Masyado na kasi akong busy sa trabaho. Akala yata wala na kong panahon sa kanya." sabi ko nalang at dumukwang ng pagkain sa mesa.

"O, tapos andito ka naman ngayon? Di ba dapat bumabawi ka?" tanong ni Haris.

Napailing nalang ako nang maalala ko na naman yung kanina. "Nag-away kami."

"O, ano bang nangyari?"

Huminga muna ako nang malalim saka nagkwento. "E hindi naman niya ko naiintindihan eh. Parang minamasama pa niya yung mga paghihirap ko para sa kanila. Pucha. Nahihirapan din naman ako."

Napakurap sila sa biglaang pagdadrama ko.

"Kasalanan ko ba naman kasi kung bakit ganun kabigat yung trabaho ko araw-araw? Gusto kong bigyan sila ng oras kahit dis-oras na ng gabi, pero hindi ko kaya, kasi bagsak na ako palagi. Pero pag kaya ko naman gagawin ko eh."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon