36- Cornered

1.8K 24 1
                                        

36: Cornered

-HAN-

"MA! MA!" Paulit-ulit kong kinatok yung gate ng bahay nila Mama. "Ma, utang na loob po, pakausap na po sa asawa ko!"

Ah, shit. Para na rin akong tangang umiiyak dito sa labas.

"Mama! Marley! Mga anak!"

Maya maya, humahangos naman na lumabas si Mama. Agad niyang binuksan yung gate di tulad ng ginagawa niya noon. "Oh, Trey. T-tara pumasok ka muna. Nasa sala yung kambal. Matutuwa 'yon kapag nakita ka."

Sinama niya nga ako sa loob. Laking tuwa ko nang makita ko ang mga anak ko na abala sa paglalaro ng regalo ko sa kanila. Agad kong silang nilapitan at kinulong sa yakap ko.

"Dadaaaa! Dadaaa! Yeyey! Dadaaa!" Niyakap nila ako at hanalikan. "Dada, bear, oh!" Tinuro nila yung mga teddy bears nila na nakahiga sa tiled na sahig.

"Dada, big bear?" cute na tinuro ni Theana yung bear na kinuha at dinala naman ni Marki sa'min. "Hihihi!"

Kinuha ko yung regalo ko at nilaro sila. Parang pinuppet ko 'yon. Nagpalit ako ng boses at pabiro silang kinausap. "Yow, Marki,Theana, na-miss niyo si Daddy?"

Tumango naman yung dalawa. Niyakap ko sila. "Dada, aww. Titip!"

Tinawanan ko sila tapos hinalikan ulit. "Na-miss ko kayo eh. Si Mommy din na-miss ko. Teka, si Mommy?"

Umiling silang dalawa. "La Mama."

Lumapit si Mama tapos tinapik ako. Tumayo naman ako agad.

"Si Marley po?" tanong ko. Bigla akong kinabahan.

"Umalis si Marley k-kanina pa. Hindi pa nga bumabalik. Nag-aalala na ako. B-buntis pa naman 'yon," sabi ni Mama.

"Po? Saan po pumunta? Bakit po umalis?" tanong ko pa.

"H-hindi ko nga alam eh." Bigla namang umiyak si Mama. "A-anak, Trey..."

Wow. Parang nakaka-touch naman na sa unang unang pagkakataon ay tinawag niya akong anak. Parang ang sarap makipagdramahan sa kanya.

"Pasensya ka na... Sorry kung tinago ko sa'yo yung mag-iina mo... Sorry kung tinago ko rin lahat sa kanila..." pag-iyak niya at halos luhuran na niya ako. "Sorry... Sorry kasi nagpaka-selfish ako... Sorry kung minaliit ko yung pagmamahal mo sa anak ko... Patawad, anak..."

Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero sino ba naman ako para hindi siya patawarin. "Ayos lang po. N-nasaan po ba pumunta si Marley? Nag-aalala na po ako, Ma. S-si Frank po nakatakas eh..."

"Ha? Bakit nakatakas?"

"Ewan ko po. Basta natatakot na po ako. Hahanapin ko na po si Marley."

"Sige sige, mabuti pa nga." Halatang kinabahan din siya.

Binalikan ko yung mga anak ko at hinalikan ulit. Nagpaalam ako na susunduin ko lang din ang Mommy nila.

"Ma, mag-lock po kayo, ha? Wag na wag po kayong magpapasok dito. Pakibantayan po yung mga bata," bilin ko kay Mama at tumayo na.

"Sige. Mag-iingat ka, ha? Nakikiusap din ako na i-uwi mo ang anak ko..."

"Opo. Hindi ko po hahayaang mapano siya."

Tumango siya tapos nagmamadali na akong umalis.

***

"Agh, shit!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko pagkahinto ko ng kotse ko sa kung saan. Tangina kanina pa ako nagda-drive pero hindi ko naman makita ang asawa ko.

Mas kinakabahan na nga ako dahil maging kina Paris wala siya. Tapos kanina rin ay nalaman ko kung ano talaga ang mga nangyari. Kinwento sa'kin ni Paris.

Shit. Kasalanan talaga ni Frank na 'yon lahat. Ngayon, naiintindihan ko na talaga ang asawa ko kung bakit ayaw niyang sabihin sa'kin. Natatakot lang siyang masaktan kami ng kambal. Ayaw lang niya kaming mapahamak at masaktan.

Napalingon ako sa phone ko nang tumunog ulit. Akala ko si Paris 'yon o si Mama pero hindi pala.

Incoming call from: *******8756

Sinagot ko 'yon agad, at binungaran ko siya ng pagsigaw ko. "PUCHA, THEK, ANO NA NAMAN BA?"

Narinig kong tumawa lang siya sa kabilang linya. "Ganyan ka ba talaga maka-miss sa'kin, babe?"

"Gago ka talaga!" Ay naman! Buwiset talaga siya.

"Chill ka lang. Naghahanap ka na ba ngayon sa asawa mo? Updated ka na ba?"

Napamura ako ulit. "Tangina. Nasaan si Marley?"

May narinig akong mga boses sa kabilang linya pero hindi ko naman maintindihan.

Maya maya, ibang boses na ang narinig ko. Boses na ng lalaki ang kausap mo. "Samahan mo naman ang asawa mo, Salves."

"Shit. Frank?" Halos mapasigaw ako. "Tarantado ka, nasan ang asawa ko?"

"Kumalma ka lang. Kasama ko siya rito."

Narinig ko ang asawa ko sa kabilang linya. "W-wag, Trey! Please... W-wag ka nang pumunta..."

"Marley! Agh shit! Hintayin mo ko! Frank!"

Si Frank na ulit ang nagsalita. "Puntahan mo siya. Hihintayin ka niya, wag kang mag-alala."

"Gago ka, buntis ang asawa ko. Wag na wag mo siyang gagalawin." Nanggigigil ako sa kanya. Bwiset talaga. "Saan ang address?"

-NI-

Bakit si Mama pa? Bakit kailangang siya pa ang maglagay sa'min sa ganito?

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak mag-isa dito sa park. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero pinilit kong lumayo sa bahay. Gusto kong mapag-isa at makapaglabas ng nararamdaman.

Maya-maya, may isang pamilyar na kotse na huminto sa harapan ko. Bumukas ang bintana non at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"B-bakit ka nandito, Frank?"

Ngumisi lang siya tapos ay agad-agad na bumaba ang mga tauhan niya at hinatak ako papasok sa loob ng kotse. Pati si Thek ay nandito rin. Talagang magkasabwat talaga sila. Kaya pala noon pa man e masama na ang kutob ko sa kanya.

"Ugh! Paano ka nakalabas ng kulungan?" tanong ko.

Nginisian niya ako kaya naman mas natakot ako sa kanya. "Alam mo, sinusubukan mo kasi talaga ako eh. Akala mo ba hindi ko alam na nagsumbong ka sa asawa mo at siya ang nagpahuli sa'kin? Ngayong gusto mong makipaglaro sa'kin, pagbibigyan kita. Ang kaso nga lang, tatapusin din natin agad 'to maya-maya."

Dinala niya ako sa bakanteng bahay na pinagdalhan niya sa'kin noon. Kanina pa ako nagmamakaawa kay Frank. Pati ang asawa ko, dinamay na rin niya. Wala talaga siyang awa.

"Wag mo nang idamay ang pamilya ko, please..." pagmamakaawa ako. Pagod na pagod na ako physically pero hindi ako magsasawang pakiusapan siya na wag idamay si Trey at ang pamilya ko.

"Nag-usap na tayo tungkol dyan, di ba?" Lumakad siya palapit sa'kin. "Dahil sinuway mo ang gusto kong wag sabihin sa kanya, dapat inasahan mo nang mangyayari 'to."

"Hindi ko nga sinabi sa kanya. Wala kaming alam, Frank."

"Hindi ako tanga, Marley. Wag ka nang magsinungaling, baka mauna ka na't hindi mo mahintay ang asawa mo."

"Patayin mo ko kung gusto mo, pero wag mo nang idamay sila Trey... utang na loob, Frank."

Lumayo ulit siya sa'kin. "Tsk. Wag kang mag-alala. Matatapos na rin 'to..."

Natriple ang kaba ko lalo na nang may marinig kaming kotse sa labas. S-sigurado akong kay Trey 'yon.

"Matatapos na 'to, Marley," pananakot na pag-uulit ni Frank.

Hindi... Hindi pwede 'to...

-tbc

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon