14- Rodrigo

1.6K 27 3
                                        

14: Rodrigo

-NI-

"Han!" Ilang beses kong sinubukang tawagin si Trey, pero ayaw naman niya akong pansinin. Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa di ko na nasundan kung saang pasilyo siya lumiko dahil sa bilis niya.

Naiintindihan kong na-badtrip siya kay Mama kanina. Alam kong nasaktan siya kasi nasaktan din naman ako para sa kanya sa narinig ko. Sino ba namang hindi kapag sabihan ka ng magulang ng mahal mo na ayaw niya sa'yo? Syempre masakit yon.

Pero hindi rin naman ako natuwa sa ginawa niya kanina. Okay lang yung nagpaliwanag siya ng side niya. Okay lang yung sabihin niya yung nararamdaman niya towards my mother, pero yung huli niyang sinabi? Parang hindi na yata tama yon. Nakakawalang respeto para sa Mama ko. Maybe bugso lang yun ng damdamin niya, pero mali pa rin eh. Masyado nang sobra sa limit niya bilang manugang lang ng Mama ko. Sana kinontrol pa rin niya yumg sarili niya, at hindi nagsalita ng ganung bagay.

Ang hindi ko rin magustuhan ay itong bigla niyang pagwu-walk out, at lalo na yung hindi pa niya pagpansin sa'kin. Mas naiinis na tuloy ako sa kanya. Nagmumukha kaya akong tanga sa kakatawag, kakasunod, at kakahabol sa kanya. Nakakahiya naman sa mga taong pinagtitinginan ako. Nagmumukha tuloy akong kawawa. Nakakainis lang talaga.

Nagkasakit na nga yung anak namin, ang laki na nga ng babayaran namin dito sa ospital, nagkaproblema na nga sila ni Mama, tapos ganito pa. Marami na ngang problema, sinasabayan pa niya.

Dahil wala nga si Trey, si Paris nalang ang naisipan kong tawagan. Nakakalungkot naman kasi kung kelan kailangan ko sana siya, saka naman siya wala. Nagbakasyon daw sila ng pamilya ni Chase sa El Nido, Palawan. Hay. Buti pa sila, okay ang pamilya. Buti pa sila, walang problemang gaya ng amin.

Ka-text ko si Paris at pinag-uusapan namin ang nangyari ngayon nang may isang silhoutte ng lalaki akong natanaw sa harapan ko mismo. Nag-angat ako ng tingin at hindi ko inaasahang siya ang makikita ko.

***

Chocolate Frappe, plain hot coffee, at dalawang slices ng mocha cake ang nilapag ng waiter sa mesa. Tinanong niya kung may order pa kami pero sinabi kong wala na, kaya umalis na siya.

Naiwan ako sa isang awkward situation kasama ang lalaking 'to na nakita ko kanina sa ospital. He is no other than Daddy Rodrigo--ang tatay ng magaling kong asawa. I met him a while ago and he asked me if I can go out with him para makapag-usap nang mas maayos. Nalaman kasi niya yung nangyari sa anak namin ni Trey, at pati na rin sa medyo hindi pagkakaintindihan namin kanina.

"Mabuti't ayos na ang apo ko." Kitang kita kong nag-aalala talaga siya sa apo niya. Ang totoo nga e gustong gusto raw niyang madalaw si Marki at nang makita sila ng kambal, pero tumanggi muna ako kasi baka magkasalubong pa sila ni Trey o kaya ni Mommy. Alam kong di pa sila ready para doon, at hindi pa tamang oras para doon.Baka panibagong away at gulo pa ang dumating na naman. Mahirap na. Hindi pa nga tapos 'tong nasa listahan, madadagdagan pa?

"Gagaling din po siya nang tuluyan." Nginitian ko siya at inassure na mangyayari nga 'yon. "Ah, p-pwede po bang magtanong?" Ito na naman yung pag-aalangan na lagi kong nararamdaman kapagay gusto akong itanong at linawin sa ibang tao.

Tumango siya at tinanong ako kung ano iyon.

Huminga ako nang malalim. Tutal naman ay gusto kong malinawan at maging maayos ang lahat, tinanong ko na siya ng mga bagay na di ko matanong kay Trey matagal na. "T-tungkol ho sana sa anak niyo--kay Trey po. A-at sa pamilya niyo."

Naibaba niya yung iniinom niyang kape. Maging ako ay hindi na nakabalik pa sa kinakain kong cake. Huminga siya nang pagkalalim-lalim. "Hindi ba naikwento sa'yo ni Trey?"

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon