15- Bad Guy

1.6K 23 6
                                    

15: Bad Guy

-HAN-

"Ano?" tanong ko kay Marley kahit na may sagot na naman na sa utak ko para sa tanong ko.

Posible ngang ang ama ko ang tinutukoy niya. Posibleng nagkita sila, pero paano? Pano sila nagkita at nagkakilala?

"Nung isang araw, hinanap ka niya sa bajay, pero nakaalis ka naman na," paliwanag niya.

"S-sino ang pumunta sa bahay?" Ay naman, bakit ba parang sobra akong tensyonado na tatay ko nga 'yon? Ts. Baka kasi ayokong mapalapit siya sa pamilya ko o kahit makilala man lang. Hindi ko siya tinuturing na ama kaya hindi rin siya dapat ituring na pamilya ng pamilya ko.

"S-si D-daddy Rodrigo," medyo nanginginig na sagot niya.

Higit pa sa tensyon na nararamdaman niya yung naramdaman ko nang marinig ko kung pano niya tinawag yung ama ko--agh, tatay o ama ang tawag ko sa kanya hanggang ngayon, pero talagang hindi ko na siya ituturing pa kahit kelan. Tinawag ng asawa ko na Daddy ang tatay ko. Iyon ang hindi ko mapaniwalaan. Nakuha na kaya ng mang-iiwan na 'yon ang loob ng asawa ko? Ano kaya anh plano niya? Pucha, ano yon, yung asawa ko pa ang gagamitin niya?

"Trey."

A basta, hindi pwede. "Pinapasok mo 'yon sa bahay natin? E hindi mo naman yon kilala. Pano kung masamang loob pala 'yon? Pano kung saktan niya kayo ng mga bata?" Napapataas yata ang boses ko sa kanya. "Marley, sa susunod ayokong--"

"Trey naman," putol niya sa mga sinasabi ko sa kalmadong paraan. Nakatitig din siya sa mga mata ko at halata ko amg simpatya niya sa lalaking 'yon. "Please."

Ay naman! Pucha. Hindi ako makapaniwalang mangyayari pala 'to. Pucha bakit pa kasi bumalik yung lalaking 'yon? "Ano ba, Marley?"

"Bakit ba ayaw mo siyang patawarin?" mahinang tanong niya sa'kin.

Napailing nalang ako. "Hindi ko siya kilala, Ni. Wala na kong tatay, matagal na."

"Trey, please." Nagmamakaawa na ba siya sa'kin?

"Pucha, ano bang ginawa sa'yo nung lalaking 'yon? Marley, wag ka ngang nagpapauto sa taong 'yon."

"Wag ka ngang ganyan, Trey!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Buti at hindi nagising si Marki at wala namang nakakarinig na ibang tao. "Tatay mo pa rin siya. Anak ka lang pa rin niya. Patawarin mo na siya, Trey."

"Marley, pwede ba, wag kang magsalita na parang alam mo yung nangyari." Kinakalma ko ang sarili ko. Hangga't maaari, ayokong makipagtalo ulit sa asawa ko.

"Paano kung alam ko?" Kumalma ulit siya, at bumalik yung malungkot niyang mukha. Talagang nakikisimpatya siya sa taong 'yon. Napakagaling talagang magpaawa, ay naman! Kinwento niya yung pagkikita nila kanina. Alam nga niya yung nangyari noon. Hah, ang lakaa ng loob nung lalaking 'yon na ipagkalandakan ang pagiging iresponsable niya. "Gusto na niyang humingi ng sorry sa'yo, Trey. Nagpapaka-humble na siya. Inadmit naman naman niya yung kasalanan niya. Ang gusto niya ngayon ay bumawi."

Natawa ako sarcastically. "Aba syempre wala naman siyang karapatan para magmataas pa, di ba?" Nanggigigil ako unti-unti habang pumapasok na naman sa isip ko ang mga nangyari noon. Bwisit. Nakakagalit talaga ang pang-iiwan niya sa'min para sumama sa ibang babae. Oo, talagang nakakainis yung mga pag-aaway nila noon ni mommy, pero hindi pa rin sapat na dahilan yon para iwan niya kami. "Marley, siguro alan mo nga yung nangyari, pero hinding hindi ko naman alam kung ano ang naramdaman at nararamdaman ko."

"Alam ko, Trey. Siyempre, alam ko." Hindi ko alam kung bakit maiyak-iyak ang asawa ko ngayon. "Lumaki akong walang papa. Ni-hindi ko man lang siya nakasama kasi wala pa ko sa mundo, namatay na siya. I always wanted a father. Lagi kong hinihiling 'yon kahit gaano ka-imposible." Pimahid niya yung mga luhang pumapatak na sa mga mata niya. "Alam mo nung nalaman kong buhay pa pala ang daddy mo, nainggit ako and that same time ay naging masaya. Tatay mo kasi siya e at asawa kita. Ibig-sabihin nun, magkakatatay na rin ako sa wakas. Pero ayaw mo naman pala sa kanya."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon