26- Behind Silence

1.4K 18 1
                                        

Hi, may reader/s pa ba? Haha! Just wanna say sarreh sa delay. Wala kasi akong net.. pero do not yah worry kasi tapos ko na po ito i-draft. As in up to epilogue. Hihi. Kapit lang. ;) Thanks! P.S., I am sharing my phone number. PM me. :) -Naomi

26: Behind Silence

-HAN-

Magdamag akong gising. Buong magdamag kong hinihintay si Marley. Hindi pa rin siya umuuwi. Buong araw ko ring pinag-isipan ang tungkol sa nakita kong mga litrato. Hindi ako naniniwala roon. Alam kong mahal ako ng asawa ko. Hindi niya magagawa 'yon.

Ah, shit. Tanghali na, wala pa rin siya. Kinakabahan talaga ako.

Napabangon ako sa kama nang umiyak ang anak ko. Mag-aalas dose na nang kunin ko ang mga anak ko kina Chase. Humingi pa ako ng dispensa kasi naka-istorbo pa ko. Pati sila nag-alala nang malamang wala pa rin si Marley.

"Daadaa! Miiiik! Miiik!" iyak ni Theana. Sa kakaiyak niya nagising na rin yung kapatid niya.

Kinarga ko siya at pinatahan muna. "Wag ka na iyak, baby. Magtitimpla lang milk si daddy, ha?" Mabait namang tumango ang anak ko. Binaba ko siya sa crib nila. "Behave lang kayo, ha? Titimpla lang milk niyo si Daddy."

"Maamaa?" paghahanap nila bago ako lumabas.

"Pauwi na yun, baby." Nginitian ko sila saka ako lumabas ng kwarto.

Ay naman. Nasaan na kaya si Marley? Nag-aalala na ako sa kanya. Baka napano na siya o ano. Gusto ko siyang hanapin kaso hindi ko naman alam kung saan. Wala siya sa kanila o kina Paris. Kay Frank siya malamang pumunta. Pucha. Qno bang ginawa nila? Bakit kailangan niyang makipagkita sa hayop na 'yon?

Ugh.

"Hi, Trey." Nagulat ako ni Thek. Prente siyang nakaupo sa sofa at kinindatan pa ko. As usual ay nakasuot siya ng maikli niyang shorts at hapit na sando. Shit. Tama yata ang asawa ko noon. Talagang may kakaiba sa babaeng 'to. Napatunayan ko 'yon kagabi nang dalawang beses niya akong halikan. Tsk. "Natulala ka dyan? Well, by the way, good morning."

"Ts." Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso na sa kusina para ipagtampla ang mga anak ko.

Ah, shit. Ano na bang nangyayari sa pamilya namin? Bakit ang dami na naming pimagdadaanan?

Huminga ako nang malalim at saka tinapos ang pagtitimpla. Binalik ko ang mga ginamit ko at dala ang mga feeding bottles ng kambal ay lumakad na ako. Paakyat na ako sa kwarto nang marinig kong bumukas ang pintuan.

Tumalon ang puso ko nang sa wakas ay asawa ko na ang dumating. Matamlay siya nang pumasok. Nang makita niya ako, agad niya akong nilapitan. Mangiyak-ngiyak siya nang yakapin niya ako bigla.

Ay naman. Ano ba ang nangyari?

Inutusan ko si Thek na ihatid sa kambal yung mga gatas nila. Tinignan ko pa siya nang masama nang bahagya niya akong ngitian. Pucha.

Naramdaman kong nababasa na ang damit ko. Shit. Umiiyak siya. Niyakap ko rin siya at hinaplos ko ang likod niya. Nag-aalala ako. Siguradong may hindi magandang nangyari. "Bakit, Ni? Anong nangyari?"

Patuloy lang siya sa pag-iyak at paghikbi. "Han, sorry... sorry."

"Ano ba ang nangyari? Sa Frank na 'yon ka pumunta, di ba? Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang? Anong ginawa niya sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Ano?" Ah shit. Hindi ko talaga mapapatawad ang gago na yon.

Hindi nagsalita si Marley. Umiiyak pa rin siya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Ayaw niyang magsalita eh.

"Ni naman. Nag-aalala ako oh. Ano ba ang nangyari? Magsabi ka. Inano ka nung siraulo na 'yon?" Pinaharap ko siya sa'kin. "Asawa mo ako, Ni. May karapatan naman akong malaman, di ba? Para na rin matulungan kita."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon