Ilang UDs ba dapat ko i-post? I obviously want to finish this na eh. Hihihi.
Btw, hi, Annxiety! :)29: Climax
-HAN-
"Ano 'to, Marley?"
Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. Nanggigigil ako sa galit, hindi sa asawa ko kundi sa kung sino mang hayop ang may pakana nito.
"H-hindi ikaw 'to, di ba?" tanong ko ulit sa kanya kahit alam kong siya talaga iyon. "Marley..."
Natahimik siya at nagsimula nang humagulgol. Hindi iyon ang gusto kong reaksyon mula sa kanya. Gusto kong itanggi niya lahat kasi sa kanya ako mas maniniwala. Pero nanahimik lang siya.
"Marley..." Medyo mariin na ang pagbanggit ko sa pangalan niya.
"Sorry, Trey." Iyon lang ang nasabi niya. Binigyan ko siya ng pagkakataon para dugtungan yon ng paliwanag pero wala.
"B-bakit, Marley? Ano 'to? Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Ito yung nangyari non? Bakit di mo pinaalam noon?" Tunog galit man ako, sa loob ko ay nadudurog ang puso ko. Nasasaktan ako.
"Trey, h-hindi mo kasi naiintindihan..."
"E paano ko nga maiintindihan kung ayaw mong sabihin? Hindi mo sinabi, Marley! May nangyayari na palang ganito, wala man lang akong kaalam-alam!" Ayoko siyang sigawan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Nilihim mo pa rin sa'kin kahit ilang beses kitang sinubukang tanungin."
"Sorry, Trey..."
"Sorry? Hah, Marley. Wag kang mag-sorry," salita ko. "Ako kasi hindi ko na mapatawad ang sarili ko sa nalaman ko. Ginagago ka na nung lalaking 'yon, pero wala akong alam. Napakawalang kwenta ko namang asawa, Marley."
'Saan kaya siya nanggaling? Ngayon lang umuwi ang magaling mong asawa, huh?'
"Amoy sex siya, alam mo? Ang galing niyang umarte at magpaaawa, in fairness. Ikaw naman, kumagat agad. Tsk tsk."
Biglang pumasok sa isip ko yung nakita kong litrato nila. Nilalabanan ko sa isip ko ang naalala ko ring bintang ni Thek. Hindi. Sinisira lang nila kaming mag-asawa. Hindi ako magpapadala doon.
"Ngayon... t-totoo ba ang lahat ng napanood ko?" tanong ko sa asawa ko. Siya lang ang magbibigay ng linaw sa isipan ko. Siya lang papaniwalaan ko.
"N-nangyari nga 'yan..." naiiyak niyang sagot na lalong ikinaguho ng mundo ko.
Shit lang. "Nangyari 'to?" mahina kong bulong.
"Pero, Trey, promise hindi ko ginusto 'yan," pagpapaliwanag niya. "Hindi ko gustong may nangyari."
Shit, Trey, paniwalaan mo ang asawa mo. Pakinggan mo siya. Sa kanya ka maniwala.
"Kung ganon, bakit hindi mo inamin sa'kin? Bakit kailangan mo pang itago sa'kin?" tanong ko ulit.
"K-kasi... kasi natatakot ako," sagot niya. "N-natatakot ako..."
"Sabihin mo kung bakit. Sabihin mo kung saan ka natatakot. Sabihin mo para alam ko ang gagawin at iisipin!" I almost shouted. I'm frustrated na itanggi niya yung mga bintang na naririnig ko sa kanya.
"A-ayoko..."
'Trey, wag kang magpakatanga. Ramdam kong may kalokohang ginagawa ang asawa mo sa likod mo. Late na siyang umuwi at hindi man lang nagsabi. Higit pa dun, ni-hindi man labg nagkwento. Halatang may nililihim siya.'
"Bakit ba kasi ayaw mo?" galit kong tanong. "Alam mo, Marley konti nalang talaga, iisipin ko nang..." Nagdalawang isip akong ituloy ang sasabihin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/29436038-288-k938058.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Narrativa generale[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...