8- Longing

2K 33 11
                                        

8: Longing

-HAN-

Lahat kami sa opisina, we've been all busy since this past few weeks. Dumarami kasi ang mga clients namin dahil March na. Sa isang travel agency kasi ako nagtatrabaho. Working as part of the highly-positioned employees, marami akong ginagawa at dapat pagbutihan. I wanted to go higher para sa pamilya ko. Gusto kong maibigay yung mas magandang buhay kahit na ako lang ang kumakayod nang ganito. As I've said, March na at malapit na summer season. Marami na ang mga nagbabakasyon at magbabakasyon--mas marami nang 40 plus percent kesa last year or on any previous years. Like on Christmas seasons or any other holidays, marami na naman kaming aasikasuhin. And we all need to focus.

"Ay naman," bulong ko nang may dumating na naman na tatrabahuhin ko. Nakakainis yung ganito. Yung tipong iiinom ko nalang ng kape, itatrabaho ko pa. Having no choice, tumayo na ako at bumalik sa may lamesa ko. Inisa-isa ko yung isang makapal na pile ng mga dokumento.

After a while, nang medyo nakakakalahati na ako, nakita kong nagba-vibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko 'yon. Well, hindi naman bawal ang sumagot ng tawag sa trabaho, as long as it's not nonsense chitchats.  

Incoming Call...

aaa. Ni ♥

May ngiting biglang naukit sa labi ko. Kung kelan busy ako, saka na siya tumatawag. A, kung nagtataka kayo kung bakit 'aaa. Ni ♥' ang pangalan niya sa phone ko,'yon e kasi gusto kong siya ang unang lalabas doon kapag binuksan ko.

I cleared my throat and then answered it. "O, Ni?"

May katahimikan sa kabilang linya. Hindi siya nagsasalita. Parang pinapakinggan lang ako.

"Bakit, Ni? May problema ba?"

Ramdam kong huminga siya nang malalim. "Ah, wala, wala. Y-yung kambal, nangangamusta lang."

I smiled and teased her. "Yung kambal o ikaw?"

"Hindi ako, asa ka pa." I laughed at her reaction. Alam ko namang nami-miss niya na ako. "Nagpapabili kasi sila ng Koko Crunch. Matagal nang ubos yung binili mo dati."

"Sure, sige. Dadaan ako sa convenience store mamaya," sagot ko pabalik at nang makita ko na yung isa ko pang ka-opisina na palapit sa'kin, sinubukan kong magpaalam pero tinawag niya ako.

"Ah, Han." May pag-aalangan sa boses niya. "Dito ka ba magdi-dinner mamaya? Lulutuan sana kita."

Nangiti ako sa tinanong niya sa'kin--faintly--tapos ay napatingin sa buong office. "Di ko alam. Hindi na yata. Dito nalang ako kakain. Alam mo na, nakakahiya namang tanggihan ko sila. Saka para di ka na mahirapan. Si Thek nalang din ang paglutuin mo." Iyon naman kasi ang totoo. Alam kong lagi niya akong pinaghahanda tuwing gabi, just like the usual thing she does, pero ngayon, hindi na ako makakain sa bahay. Lagi ko nang sinasabayan 'tong mga kasamahan ko. Hindi na rin kasi ako makatanggi dahil gutom na gutom na rin ako after the long tiring day of work.

She sighed again. "Ah, ganun ba. Sige. Ingat ka." I know she's sad.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon