21: Abigail
-NI-
Ex-girlfriend? Bakit hindi ko yata alam 'yon? May ex-girlfriend pala talaga si Trey. Hindi naman kataka-taka 'yon sa itsura at ugali niya. Ang hindi ko lang talaga matanggap e yung fact na nilihim niya sa'kin 'yon. Okay, ayos lang naman sa'kin kahit papano kasi nga sabi ko noon, hindi naman na mahalaga sa'kin ang past. Pero... hindi ko naman yata pala kaya na ganito pala kaganda at ka-sexy ang ex niya! Nakaka-insecure! Nakakatakot at the same time. Paano kung biglang bumalik yung feelings niya di ba? Hindi imposible eh!
Hinawakan ni Trey yung kamay ko pero pasimple ko 'yong tinanggal. Nagtatampo ako sa kanya. Nakakainis siya.
Nasa may sala na kami at nagkwekwentuhan. Si Paris, medyo naka-recover na sa nalaman niyang mag-ex pala si Trey at yung friend niya. Si Chase, busy sa anak niya habang nakikipagkwentuhan. Si Trey naman, heto at feeling ko ay nilalambing ako dahil sa atraso niya sa'kin. Si Abigail na balikbayan naman, nakaupo rito habang sayang saya sa muling pagkikita nila.
Honestly, ayoko kay Abigail. Hindi naman sa dahil ex siya ng asawa ko. Masyado lang akong naki-clingy-han sa kanya. Kung makaakbay at makapulupot ng braso sa asawa ko, ugh! Nakakainis! Di man lang makaramdam. Hindi lang 'yon. Naaartehan pa ko sa kanya. Feeling naman niya, nasa US pa rin siya. Nasa Pinas na kaya siya! Hindi ko alam kung masyado lang siyang papansin o talagang nakalimutan na niyang nasa Pinas siya.
"So, tell me more about you, Trey," nakangiti at excited na salita ni Abigail. "Updated pa rin ako kahit papano sa buhay ni Chase, samantalang sa'yo wala na totally. So, dali. Ano nang nangyari sa'yo?"
Tinitigan ko nang masama si Trey nang hindi siya makasagot man lang sa sinasabi nitong feeling foreignay na to. Mas lalo akong nabubwiset kasi hindi man lang niya masabi yung totoo. Ako pa ba ang magsasabi para sa kanya na kasal na kami at may anak na? Ugh!
Tumawa si Abigail. Infairness, mala-dalagang Pinay pa rin pala siya tumawa. "Kidding! Of course I know about it. Updated pa rin ako kahit ikaw, mukhang hindi na. So, hindi mo ba sila ipapakilala?"
Ngumiti at nagsalita na rin sa wakas ang asawa ko. "Ah, oo. Si Marley nga pala, asawa ko, at sina Marki at Theana, kambal namin." Inakbayan niya ako pero inirapan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya.
"Ang ku-cute naman nila! They're so adorable, just like you!" Kinuha niya si Marki, at pinanggigilan. "So cuteee! Oh, I heard naospital daw siya. Mabuti naman at okay na siya ngayon."
"Ah, oo nga eh," tumatawang sabi naman ng asawa ko. "Malakas talaga resistansya niyan. Mana lang sa'kin. Kilala mo naman ako di ba? Hahaha! Ako pa!"
She laughed, too. "Oo na! Ikaw na ang immuned, ako na ang sakitin! Ako na ang suki ng clinic!"
Nagtawanan silang dalawa. Nakalimutan yata kami na nandito rin. Hmp.
"Buti alam mo! Suking suki ka ng clinic, ako naman laging masakit ang balikat sa kakapasan sa'yo!" Itong asawa ko, parang miss na miss ang babaeng 'to. Nakalimutan yata akong katabi pa niya!
Kung di pa ako tumikhim, hindi pa sila makakaramdam.
Tinignan ako nang mapang-asar ng asawa ko. Kung inaasar niya ako na nagseselos ako, pwes oo, totoo! Bwiset! Sana naman maramdaman niya 'yon!
Tumawa si Paris at tumayo na. "Ang cute niyong tatlo." Tumayo na siya at inaya si Abigail sa may kusina kasi may ipapakita raw siyang kung ano sa loob ng ref nila.
Si Chase naman, dinala muna sa kwarto si Chesca kasi puno na raw ang diaper. Naiwan tuloy kami ni Trey.
Napansin kong tinititigan niya ako at inaasar. Hinampas ko tuloy siya nang malakas. "Aray, Ni! Nagpapakabrutal ka na naman eh!"
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Ficção Geral[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)