32: Kept
-HAN-
"Ay naman! Teka, asan na ba yon?" Parang tanga lang ako mag-isa dito sa bahay. Hindi na ako magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mga ibibigay ko sa mga anak ko pati na sa asawa ko. Sa dami ng mga 'to, ni-hindi ko na malaman kung alin ang alin. Ibabalot ko pa man din pa ang mga 'to. Nag-volunteer si Abigail na tulungan ako pero nahiya na rin ako sa kanya.
Habang nag-aayos ng mga regalo at peace offering ko ay nagpa-practice na rin ako ng mga sasabihin ko sa asawa ko. Kailangang pagkatapos ng magiging pag-uusap namin ay bumalik na sa dati ang lahat. Kailangan maayos na ang lahat.
Ay naman. Shit lang. Kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kung bakit. Daig ko pa yata yungaraw na nag-propose ako sa kanya.
Paano kung itaboy na naman niya ako? Paano kung hindi niya ako pakinggan? Paano kung mag-away na naman lang kami?
Ay naman! Ayoko na ehh! Gusto ko nang maayos 'to, utang na loob naman! Mababaliw na ako kakaisip sa pamilya ko! Gusto ko na silang bumalik dito sa bahay.
Tinapos ko na agad yung ginagawa ko. Malaki-laking mga regalo ang para sa mga anak ko. May kanya-kanya din iyong makukulay at cartoon character-themed gift wrapper. Ang para kay Marley naman ay ang peace-offering kong necklace na pinag-ipunan ko pa at ang pampangiti ko sa kanya na kulay red na silk lingerie. Ay shit, puro kasi kalokohan si Abigail sa mall.
Ite-text ko sana si Marley kaso naisip kong surpresahin nalang siya mamaya. Atleast nandoon na ako at di niya mapapaalis. Baka pag nag-text ako, bigla silang umalis o mag-lock.
Lalakasan ko na ang loob ko. Para sa'min 'to.
***
Ilang beses na akong humihinga nang malalim at nagpapalakas ng loob. Ilang minuto na ako sa harapan nila Marley pero hindi ko mapindot-pindot yung doorbell nila. Ganitong ganito ako dati kapag binibisita si Marley na girlfriend ko palang. Noon pa man kasi, ang init na ng ulo sa'kin ng mama niya.
Papindot na ako nang maunahan ako ng Mama niya. Lumabas 'to sa bahay at nakita ako. As usual, masama ang tingin niya sa'kin. Ay naman.
Siyempre, good boy ako. Nandito ako para magpakumbaba at ayusin ang lahat sa'min ng asawa ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Masama na naman ang timpla ni Mama. "Aba't..."
"Ah, Ma, hello po. Hm, p-pwede ko po bang m-makausap ang asawa ko?" magalang kong tanong.
Nagpamewang siya. "Ha? E ang kapal pala ng mukha mo, eh ano? Umiiyak nabg dumating dito yung anak ko kasama yung mga apo ko. Ilang araw rin siyang naging balisa dahil sa'yo, tapos pagkatapos ng isang buwan e babalik ka nalang? Aba, hayop ka pala eh!"
"Ma, sorry po--"
"Wag mo akong tawaging Mama at hindi kita anak."
"Sorry na po. Malaki nga po ang kasalanan ko... G-gusto ko na pong ayusin ang lahat. Nagsisisi na po ako. Please. Gusto ko po silang makita. Gusto ko po silang kausapin." Halos magmakaawa ako. Shit naman. Hindi naman ito ang inaasahan at plano ko eh. " Sorry na po."
Huminga nang malalim si Mama. " O siya. Bahala ka. Pero wala dito ang anak ko. Umalis sila ng mga bata."
"Po?" Wala sila? "Saan po pumunta?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman nagsabi. Baka namasyal ulit yung mga 'yon."
Napatingin ako sa mga dala ko. Nanghinayang ako hindi lang para sa mga ito, kundi para sa lahat--effort ko, pag-iipon ko ng lakas ng loob, at yung oportunidad na maayos na sana kami bago matapos ang araw na 'to. "Hintayin ko nalang po."
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
General Fiction[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)