6- The Hired

2K 30 9
                                    

6: The Hired

-NI-

Sunday nang hapon kami nakauwi sa bahay namin. Buti nalang at naging okay din naman yung naging bakasyon in overall. Si Lola, nag-sorry sa pananakot na ginawa niya sa'kin. Nagmakaawa pa siyang bumalik kami ulit doon pag may time. Syempre, babalik kami. Hindi naman kasi talaga ako galit sa kanya at sa nangyari nung bakasyon. Memorable nga 'yun eh!

Ngayon nga, dahil pagod din kami sa byahe, gusto man namin matulog, hindi naman namin magawa ni Han. Bukod kasi sa gising at naka-hyper mode pa 'yong kambal, ngayon din daw darating yung hinire na katulong ni Mama para sa'min.

"Dadaaa. Mamaaa." Tuwang tuwa yung kambal na kurutin ang ilong namin ng daddy nila. Kanina pa sila ganyan. Hindi nagsasawa. Tawa pa rin nang tawa.

"Aah, aray, baby, masakit," daing ko na. Napalakas kasi yung kurot ni Marki. Kinuha ko siya at kinandong sa lap ko. Siya naman ang pinanggigilan ko kaya naman heto siya't bungisngis mode na naman. "Ano, baby, ha? Si mommy naman ang manggigigil sa'yooo!" Hinalikan ko nang hinalikan yung leeg niya kung saan siya may kiliti.

Yung dalawa, mukhang nainggit kaya hindi rin nagpahuli. Silang dalawa rin, nagharutan. Ang saya talaga ng ganito.

"Nako, Ni, buti talaga at dalawa ang nagawa natin!" Tawa nang tawang sabi sa'kin ni Trey habang nakikipagharutan kay Theana.

Nginitian ko rin siya sarcastically. "Buti talaga, kasi last na sila."

"Ay, Ni, wait lang. May titignan lang ako saglit na e-mail. Baka na-send na Sir Chua yung file. Kelangan ko pala bukas yun. Wait lang ha?" 

Tumango ako. Nilapag niya ulit sa playpen si Theana tapos tumakbo na paakyat sa kwarto.

Habang nilalaro ko yung dalawa, may kumakatok na sa pintuan. Narinig ko na rin ang boses ni Mama, kaya naman pinagbuksan ko siya. May kasama siyang isang babae na may dalang isang maleta. Siguro siya na yung katulong namin.

Pinapasok ko muna sila sa loob. 

"Si Trey?" tanong ni Mama sa tonong lagi niyang gamit kapag si Trey ang usapan, at may kasabay pa 'yong pagtaas ng kilay.

"May tinapos pa po sa taas," sagot ko nalang. 

Si Mama, ayaw talaga kay Trey. Nakakainis.

"A, nga pala, simula ngayon, siya na yung makakasama mo araw-araw," pagpapakilala ni Mama sa kasama niya. "Marley, siya nga pala si Theresa, at Theresa, ang amo, si Marley."

Tinignan ko si Theresa. Nakangiti siya sa'kin. Nakangiti siya pero parang hindi ko siya gusto. Maganda siya, pero naniniwala akong mas maganda ako. Pero sexy siya. Mas sexy siya kaysa sa'kin. Kitang kita 'yon sa suot niya. Naka-short shorts lang kasi siya at naka-spaghetti strap. At hindi ko 'yon nagustuhan. Ang sakit niya sa mata. Ang layo kasi niya sa ine-expect ko. Nag-e-expect kasi ako ng tipikal na katulong, yung tipong probinsyana ang dating. E siya, iba siya. Ang liberated masyado ng dating niya. Modern maid, kumbaga.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon