27: News
-NI-
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari nung nakaraan sa'min ni Frank. Masyado akong nakokonsensya sa nangyari. Gusto kong aminin kay Trey ang lahat pero ayoko namang malagay siya sa alanganin. Mas mabuting sarilihin ko nalang 'to tutal mukhang tinamaan na ng konsensya si Frank at di na ako ginugulo pa.
"Maaamaaa! Waway Nana!" sumbong ni Marki na bigla nalang hinahatak ang laylayan ng t-shirt ko. Abala ako sa pagsu-sort ng mga damit nila habang ito naman sila at busy magharutan at mag-away. Talaga naman. "Waway bad bad Nana!"
Tinabi ko yung mga natiklop at na-sort ko na. Inaabot at nagugulo na kasi nilang dalawa. "Baby Marki naman, bakit ba ah?"
Nakita kong hinampas ng baby girl ko ng damit ang kapatid niya. Nang-aaway na nga, ang lakas pa makatawa. Manang mana talaga siya sa'kin. Ganun din ako kay Trey minsan eh. "Ay, Theana, wag na," saway ko na nang tamaan sa ulo ang kapatid niya. "Masakit na yan. Magagalit na si Mommy. Hindi na love love."
Sumimangot naman siya sabay bato palayo ng damit niya. Dinilaan niya si Marki tapos nahiga padapa sa kama.
Tinignan naman ako ni Marki. Mukha siyang confused at guilty. "Waway Arki Nana? Yak Nana, Mamaa?"
Nginitian ko siya at pinat sa ulo. Ang sweet talaga niya. Mana rin sa daddy niya. "Kiss mo si Theana baby para di siya iyak. Dali baby. Love love mo kapatid mo."
Ngumiti naman siya at agad sumunod. Tinabihan at niyakap niya yung kapatid niya. Gaya ng sabi ko, hinalikan din niya sa pisngi. "Nana, lab lab na Arki. Ati na Nana Arki. Lab lab na."
Umirap pa nang konti si Theana. "Waway ka! Bad bad!"
Umiyak naman si Marki at naging kabaligtaran naman ang nangyari. Si Theana naman ang nagpatahan. Ang cute nilang panoorin. Imbes tuloy natapos ko na ang ginagawa ko, tinigil ko nalang para makipagkulitan sa kanila.
Napatingin ako sa orasan namin sa kwarto. Pa-nine PM na pala. Nag-text si Trey na male-late siya ng uwi. Babawi raw siya sa mga katrabaho niya na lagi niyang tinatakasan para raw mas matagal nang isang orasan kami. Loko loko talaga.
"Daaadaaaa!" Nakapagbati na ang kambal at sabay nang nagwawala sa kama nang makita ang daddy nila. "Coco Kaaaaanch!"
Natawa ako sa itsura ng kambal. Mahal na mahal talaga ang malaking kahon ng Coco Crunch. Hinalikan ako ni Trey pati na ang mga anak niya. "Coco Crunch na naman, Han? Tatlong ganyan na ang nakabukas sa ref. Tsk tsk."
Tumawa si Trey. Binuksan niya muna yung pagkain para manahimik sa kama yung dalawa. Nilapitan niya ako at hinapit ng mahigpit na yakap. "Selos ka naman, Ni?"
Tumawa ako sarcastically. "Selos ka dyan." Inayos ko yung mga damit ng kambal pabalik sa closet at drawers nila. "Aish! Trey naman, umayos ka nga," saway ko nang simulan niya akong halik-halikan sa leeg. Mamaya nakikita kami ng kambal eh.
Tinawanan lang ako ni Trey. Hindi talaga siya nagpapigil. "Sarap mo eh."
Hinampas ko siya. "Loko ka talaga!" Pinaalis ko siya at naupo muli kasama ang dalawa. Sinubuan pa nila ako ng kinakain nila. "Han, nag-dinner ka na?"
Tumango siya. "Ikaw ba?"
"Kumain na ako, sabi mo eh." Pinulupot na naman niya yung kamay niya sa'kin. "Ang clingy mo masyado, Han. Haha."
Inabot sa'min ng kambal yung kinakain nila habang umiiling. Ayaw na nila.
"O, daddy, kuha mo sila ng water," utos ko kay Trey. Ayaw pa nga niya pero inuto ko nalang. "Dali na para makatulog na sila." Nang kindatan ko siya, mas mabilis pa sa kidlat siyang tumayo at umalis. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Aktuelle Literatur[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)