THANKS FOR READING DWF! SPECIAL THANKS TO ATENG THEK, ANG MAY PAKANA TALAGA NITO NA PINILIT AKO NANG BONGGA! SALAMAT SALAMAT SALAMAT SA INYO! PLS. DO SUPPORT MY UPCOMING SERIES, THE "BACHELORETTES" AT UUMPISAHAN KO NA YON NOW. POSTED NA ANG SERIES #1 FIERCE. CHECK OUT MY PROFILE. THANKS! XOXO
Epilogue
One very complicated journey had just ended. It is popular to mention the saying, an end is just a beginning.
It is true, definitely, pero for now, tama na sigurong the end na ang ilagay sa kwento nila. Sobra pa sa sobra ang dinanas nilang complexities and sufferings. Siguro deserve naman nilang mamuhay nang masaya, well, sa sarili nilang pamamaraan...
***
-HAN-
"Happy birthday, lolo!" masayang bati ng kambal pati na ng one-year old baby boy naming si Timi kay Daddy.
65th birthday ni Daddy kaya naisipan namin ni Ni na mag-celebrate kahit dito mismo sa bahay namin. Masaya ang kinalabasan kasi nakapag-get together ang buo naming pamilya. Nakakatuwa kasi kahit may love triangle at iwanan pang namagitan sa mga magulang namin noon ay naging ganito kami kasaya. Atleast wala nang mga epal at kontrabidang mga biyenan sa'ming mag-asawa.
"Ready na yung foods!" Dumating si Ni na may dalang tray ng sandwiches. "Kain na po!"
"Yeay!" Tumakbo agad ang kambal tapos nakisunod si Timi na gamit ang blue niyang walker. Sayang saya naman yung tatlo.
"Oy, Trey, asikasuhin mo na yung pagkain. Kung anu-ano pa ang inuuna mo dyan. Wag mo ngang pagurin 'yang asawa mo!"
"Ah opo!" Agad kong pinuntahan si Ni. Abala siya sa paghalo ng spaghetti para sa mga anak namin. "Ako na, Ni."
"Ako na. Nakakahiya naman sa'yo eh," sabi niya.
Tinawanan ko siya. "Bakit ba ang sungit mo kapag buntis ka?"
"Ewan ko sa'yo. Nakakaloka ka!"
Natawa ako sa reaksyon niya. "Kita mo 'to, sinabi mo nga noon na last na si Timi pero aba, ipapaalala ko sa'yo na ikaw rin yung nagsabi na ahh sige lang, Trey, sa loob—aray ko, Ni! Joke lang!"
"Baliw ka talaga. Proud na proud ka na naman sa sarili mo at sa genes mo."
"Syempre! Haha. Pero bakit, Ni? Ayaw mo ba?"
Nahinto siya sa ginagawa at tinitigan ako. Maya maya, nginitian niga ako. "Syempre gusto ko."
-NI-
Last na talaga si Timi ayon sa plano, pero ewan ko, ang galing nitong si Salves. Gusto yatang padamihin ang lahi niya. Sino pa ba naman ako para mag-inarte? Kung siya naman ang ama, keri lang mag-anak nang mag-anak. Seriously, ganun naman 'yon eh. Ibibigay mo lahat sa mahal mo.
So ayun nga. For the third time ay nagbunga na naman ang kalandian at kagalingan ni Trey. Six months na akong buntis. Ang bilis ba masyado? Mabilis talaga. One year and one one month palang si Timi ngayon tapos six months na akong buntis. Hay, nakakaloka! Di uso ang family planning kay Trey! Ayaw gayahin sina Saavedra.
Unexpected man si baby, wala naman kaming pinagsisisihan, siyempre.
"Ano ba, Trey, ayan ka na naman," saway ko sa kanya nang yakapin niya ako mula sa likod at amoy-amuyin sa leeg. "Wag nga."
Tumawa siya. "Wala naman akong ginagawa. Yakap ko lang kayo ni baby."
"Pag labas ni Miley, sisiguraduhin kong Mommy's girl siya," mataray kong sabi.
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Fiction générale[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)