16- Endure

1.3K 25 3
                                    

Huhu. Walang tulugan na naman for the second time.. just to update! Happy reading!

16: Endure

-HAN-

"Ano, Mr. Salves, okay na ba yung anak mo?" tanong ni Mr. Sison na katrabaho ko nang lapitan niya ko. Umiinom siya ng kape habang tinitignan ako. Nabalitaan nila siyempre yung nangyari. Nakita pa nga nila kung gaano ako kaalala nung nakaraang araw pagkatapos yung tawag sa'kin ni Marley.

Coffee break muna namin sa nakakapagod na trabaho, pero heto pa rin ako sa tapat ng computer at busy sa pagtatrabaho. Kailangan ko kasi 'to ngayon lalo't may sakit nga si Marki. Tinigil ko muna ang ginagawa ko saglit at tumingin sa kasama ko. "Okay na siya ngayon, pero umaasa pa rin ako na wala na talagang problema sa magiging resulta ng mga tests na ginagawa pa sa kanya."

"Well, we all hope and pray for that, too, Trey." Nginitian niya ako. "Mag-break ka na muna. Iwan mo muna 'yan."

Umiling ako at binalikan ang ginagawa ko. "Di na muna. Magla-lunch na rin naman maya-maya."

Nag-uusap kami nang dumating yung secretary ng CEO nitong kumpanya. Siya si Erika at ka-close namin siyang lahat. Dati-rati nga kasi kami, kasama ang mga big boss namin, e laging nagdi-dinnee sa labas kaya naman talagang close kami sa isa't isa.

"O, Erika," bati nga sa kanya ng kasama ko.

Sila ang nag-usap habang ako e busy sa ginagawa ko. Pinapakinggan ko sila.

"May kailangan ka? O si boss? Yung papers ito na kay Trey. Patapos na rin."

"A, sige po," rinig kong sabi naman ni Erika. "Pero hindi naman po 'yon ang pinunta ko rito. Magpapaalam na ho sana ako sa department na 'to. May opportunity ho kasing dumating sa Canada. Sayang naman kaya tinanggap ko na po. Aalis na ho ako rito sa susunod na linggo."

"Ah." Mukha pa rin namang nagulat ang kasama ko, kagaya ko. "E yung trabaho mo, paano? A, ibigay ko kay Mr. Salves. Kelangan niya ngayon eh." Tumawa pa siya na ikinatawa ko rin.

Pati si Erika, tumawa. "Hm, meron na pong nakuha si Mr. Gatchalian. Ang sabi sa resumé niya, she's from US daw po pero Pinay. Mukha naman pong hindi kayo mahihirapan pare-pareho sa pag-a-adjust."

"Ah, pero sayang pa rin at aalis ka na."

Natawa ako kay Matteo. Kung magsalita, akala mo may gusto kay Erika, akala mo walang asawa. Loko loko talaga minsan.

"Tumatawa ka dyan, Mr. Salves?" Natatawa niyang tanong sa'kin pero inilingan ko nalang siya kasabay ng pagpapatay-malisya. "Hm, but the way, Erika, nakuha mo ba yung pangalan niya?"

Bakit, ise-search mo at i-a-add sa FB, ano? Gusto kong biruin siya pero hindi nalang.

"Ah, opo," mabilis na sagot ni Erika. "Abigail Delgado."

Natigilan ako sa pagta-type. Parang namanhid yung mga daliri ko. Iyon ay dahil sa narinig ko.

"Mary Abigail Delgado, to be exact."

-NI-

Mula kanina hanggang ngayong magtatanghali ay kasama ko si Mommy Trina. Ang awkward nga ng situation naming dalawa lalo na pagkatapos ng namgyari kanina. Yung bwisit na Frank naman kasi na 'yon eh! Sabihin talaga na ex ko siya? Siya proud, ako hindi! Hinding hindi! Grr! Ayan tuloy, itong si Mommy, feeling ko pinag-iisipan na ko ng masama.

Yung awkward situation between us, nawala na nang dumating sila Thek, Theana, at si Mama. Yung awkward na sitwasyon, naging nakaka-tense at nakakatakot. Nagsama na naman kasi silang dalawang mag-balae. E feeling ko World War lagi pag ganito. Ayaw din kasi nila sa isa't isa eh. O di ba, ang sakit lang sa ulo. Kawawa talaga kami ng Han ko na naiipit sa kanilang dalawa.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon