37: Approaching End
-HAN-
Siguro nga sa lugar na 'to na dinala ng Frank na 'yon ang asawa ko. Hindi na kataka-taka kasi liblib ba liblib yung lugar.
Tinawagan ko yung number na tumawag sa'kin kanina. "Nandito na ko."
"Wala kang kasamang pulis o kahit sino?" paniniguro niya.
"Wala," sagot ko. "Ako lang mag-isa."
"Good. Papupuntahin ko si Theresa dyan para sunduin ka." Binaba agad niya yung tawag. Ramdam kong may masama siyang binabalak. Shit lang. Ay naman. Sana walang mangyaring masama sa'min ng asawa ko.
Di nagtagal, natanaw ko na nga si Thek na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong bumaba ng sasakyan. Siya naman, lumapit sa'kin at gaya ng parati niyang ginagawa ay pinulupot niya ang mga braso niya sa'kin.
Tinulak ko siya. Bwiset. Hindi ako masama sa babae pero hindi na talaga karespe-respetong babae ang tingin ko sa kanya. "Nasaan ang asawa ko?"
"Aww, hindi ka pa rin nagbabago," bulong niya. "Talagang mahal mo pa rin ang asawa mo, huh?"
"Shit ka, Thek. Wala akong panahon sa'yo. Ilabas niyo na ang asawa ko." Nakakapikon na eh. Tangina talaga.
"Kalma, Trey. Kung makapagsalita ka naman, parang nasa bulsa ko lang ang asawa mo." Tumawa pa siya. "Wala sa'kin ang asawa mo. Nandon sa loob."
Napatingin ako sa loob nun. Sana naman ligtas si Marley.
"Pag-isipan mo muna saglit, Trey," babala ni Thek bago kami maglakad papasok. "Hindi mo masisiguro kung makalalabas kayo nang buhay dalawa dyan. Once na pumasok ka, siguradong dalawa kayo ang mamamatay."
Natakot ako sa sinabi niya. Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'yon.
"If I were you, I will choose to get out of here and save my life," dagdag pa niya. "Dali, Trey, binibigyan kita ng pagkakataong tumakas."
"Hinding hindi ako tatakas," mariin kong sabi sa kanya. "Ilalabas ko nang buhay dyan ang asawa ko."
Galit at determinado akong naglakad papasok. Nanginginig ako sa takot at kaba pero hindi iyon ang una kong pinairal. Dumiretso ako sa madilim at madumi na bahay na 'yon. Sa sala ay naabutan kong hinihintay ako ni Frank tapos si Marley naman ay...
"Shit, Marley!" Lalapitan ko sana ang asawa ko na nakagapos sa isang nang harangin ako ng dalawang lalaking nandoon din. "Shit! Bitiwan niyo ko! Tang'na! Marley, ayos ka lang?" Ugh, shit, ayaw nila akong pakawalan!
"Trey... B-bakit ka pumunta?" nanghihinang tanong ng asawa ko. "Trey..."
Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang tulungan pero hayop 'tong Frank na 'to. Masyadong malakas ang pwersa nila para labanan ko.
"Ni... ayos lang ako... Iuuwi kita... Magiging maayos din ang lahat..." paninigurado ko sa kanya. "Mahal na maha--AAHH! ARAY!"
"TREY!"
Bigla nalang akong sinuntok sa tiyan ni Frank. Parang siya pa 'tong mas napikon ngayon kaysa sa'kin. Ang kapal talaga ng mukha niyang hayop na yan! Kapag makabawi ako, ako talaga ang bubugbog at papatay dyan!
"Isa pang banggit sa salitang 'yon, kakasahin at papuputukin ko na 'tong baril," pagbabanta niya.
Nginisian ko lang siya. "Ano ba kasi ang problema mo, pare? Bakit ba hindi mo nalang kami lubayan ng asawa ko?" Nakakatakot ang mga pwede niyang gawin pero di ko mapigilan ang sarili ko. "Dahil ba naiinggit ka sa'min?"
"Oo!" agad na sagot niya ikinagulat at ikinatahimik ko. Yung masama at itim niya aura ay nabahiran ng... lungkot.
-NI-
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Fiction générale[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)