28: Anniversary Surprises
-NI-
"Bye bye, Dada! Mama!" paulit-ulit na paalam ng kambal nang ihatid namin sila sa lola nila with matching malaking wave pa ng maliit nilang mga kamay. Kagaya ng request ni Trey, hindi muna namin sila isasama sa pagse-celebrate ng third year anniversary naming mag-asawa.
"Bye, babies! Be good kay lola, ha?" paalam ni Trey at hinalikan ang dalawa.
Ako naman ay nag-doubt pa nung una kasi ang mommy ni Trey ang may karga kay Theana. Ang totoo, takot pa rin ako sa kanya. Nang tinanguan naman ako ni Trey, nagpaalam pa rin ako at sinabihan din silang magpakabait. Bukas nang tanghali pa kasi namin sila mababalikan.
"Tara na, Ni? Excited na akong ma-solo ka." Inakbayan ako ni Trey papasok sa kotse niya. "Hahaha! Na-solo rin kita!"
Tinawanan ko siya kasi mukha siyang tanga. Ang manyak tignan. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya. "Sana naman out of the country. Pasurpre-surpresa ka pang nalalaman, lubusin mo na."
"Grabe ka naman! Nakakabutas-bulsa naman 'yon, Ni! Wala nang pambili ng Coco Crunch! Mahal kaya yun!" natatawa niyang biro rin. "Pero basta. Napuntahan na natin yon noon. Ngayon nga lang, dalawa lang tayo."
"Kay lola Maria ba?" nanlalaki-mata kong tanong. Kung doon kami, ang creepy naman ng way ng pagse-celebrate ng anniversary nun!
Natawa lalo si Han. "Ang korni naman ng joke mo, Ni! Ano ako, baliw? Guguluhin ni Lola ang araw natin pag nandun siya. Bago pa man tayo makauwi, tiyak na may scandal na tayong kumakalat. Hahaha! Alam mo na..."
Hinampas ko siya. "Grabe rin ang isip mo!"
"Aray naman! Magpaka-sweet ka naman kahit ngayong araw lang, Ni," sabi niya. "Tatlong taon na tayo, ganyan ka pa rin."
Inirapan ko siya. "Minahal mo naman. Haha. Wala ka nang magagawa kundi magtyaga."
Ngumuso siya tapos ngumisi. "Ah, ganon? Mamaya ka sa'kin. Hah. Uuwi kang uugod-ugod bukas." Tumawa siya nang malakas kaya pinaghahampas ko siya. "Nagda-drive ako! Baka mabangga tayo, Ni! Hahahaha!"
Inirapan ko siya pero deep inside, natatawa naman ako.
Ang saya saya ko. I can't imagine na three years na ang inabot naming mag-asawa. Sa dami naming pinag-awayan, pinagdaanang saya at lungkot, at sa mga dumating na mga problema at hadlang sa'min, umabot pa rin kami nang ganon.
Mahaba-haba na ang tatlong taon pero mas mahaba pa tiyak na pagsasamahan pa namin. Marami pa kaming pagdadaanan, pero yakang yaka namin 'yon. Kakayanin namin. May hanggang forever pa kami para lagpasan iyon.
Pero sa ngayon, itong anniversary special muna namin ang iintindihin ko. I-e-enjoy ko at susulitin ang buong araw na 'to kasama siya. Haay. Buti nalang talaga at naging maayos na ang issue sa pagitan namin ni Frank. Mukhang tama na rin ang pagsusumbong na ginawa ni Trey noon.
Dahil din doon, napag-isipan ko na rin na sabihin kay Trey ang lahat mamaya. Hindi ko kayang maglihim ng ganung bagay sa kanya. Pakiramdam ko kasi niloloko ko siya. Mamaya, aaminin ko lahat... Sana lang maintindihan niya.
***
"Ni, tadaaaa!" tuwang tuwa na pinakita ni Trey sa'kin ang lugar na pinagdalhan niya sa'kin. Pamilyar yung lugar. Iyon yung rest house na pinagdalhan niya sa'min noon ng barkada. Mga ilang taon na rin iyon. "Hahaha! Sa wakas, nadala rin kita rito! Dapat pala dito tayo nag-honeymoon noon, nakalimutan ko. Aish! Hahaha! Tara na! Baba na. Ako na ang magpapasok ng mga gamit."
"Tulungan kita." Bumaba ako at pinasok namin ang mga gamit sa loob.
"Kung malapit lang talaga 'to, dapat nilinis ko muna 'to bago kita dinala rito eh," sabi niya. Inuubo kasi ako dahil sa alikabok. "Sorry, ha?"
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
General Fiction[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)