Got 2 updates for tonight! So, enjooy! Thanks for those who are reading--if ever there's any. ♥
2: His in-Law and Her Ex
-HAN-
"Ay, ito nga pala, Marley." May iniabot na plastic yung Frank na 'to sa asawa ko. Ampotek lang! Uso dumistansya, ano? Bakit ba kasi nandito pa 'to? Talaga yatang pinapamukha nito ni Mama na itong Frank na 'to ang gusto niya sa anak niya.
"Ah, hehe, thanks."
Okay, medyo naiinis nga ako pero hindi naman ako nagseselos. Alam ko namang tapos na sila nitong lalaking 'to. Tss. Pinagpalit kaya siya ni Marley sa'kin. Hah. Anong akala niya, madadala ng bar niya si Marley? Aba, hindi. Isa pa, alam kong ako lang ang nag-iisang mahal ni Marley--kahit pa gaano siya kasungit sa'kin kung minsan. Pero nakakarindi talaga siya! Lalo na yung malagkit na tingin niya sa asawa ko! Hindi man lang siya marunong mahiya na nandito ako na asawa ng gusto niyang sulutin. Buset!
"Kayo ba'y nag-almusal na?" tanong ni Mama sa'min. Sa'kin siya nakatingin na para bang responsibilidad ko ang lahat sa mundo.
Ngumiti ako sa kanya--nang pilit--at umiling. "Pakain palang po."
"WHAT?" Wala naman nang bago sa pagsigaw niya. Medyo sanay na ako na medyo naririndi na. "Ano'ng oras na, ah? Tss. Hulaan ko, tinanghali ka nang gising ano. Goodness, Trey, wag ka nang kumain pero yung mga anak niyo, oh! Jusko, Trey."
Kalma, Trey. Kalma. Nanay yan ng asawa mo, tandaan mo. Kalma. Ay naman! Bakit ba kasi ang init ng ulo niya sa'kin?
"Ma, wag namang kay Trey ka magalit. Pakain na nga po kami eh." Ang asawa ko na ang kumontrol sa nanay niya. "Kung gusto niyo po, mag-almusal na tayo nang sabay-sabay. Sumalo na kayo ni n-ni Frank."
Teka, parang hindi ko gusto 'yon ah? A, bwiset! Pwede bang pauwiin nalang 'tong dalawang 'to? Hindi naman nakakatulong eh.
"Mabuti pa nga. O siya, tara, Frank. At nang makakain na 'tong kambal," sabi ni Mama at nauna na silang pumunta sa mesa.
Nilapitan naman ako ng asawa ko. Tinignan niya ako na para bang humihingi siya ng tawad sa inaasta ng nanay niya. Syempre, nginitian ko siya. "Ay's lang yun. Baka hindi palang din siya makapaniwala na kasing gwapo ko ang nakakuha sa anak niya."
Hinampas tuloy ako. "Ewan ko sa'yo, Han, bahala ka nga." Tapos dala-dala si Marki ay sumunod na siya sa mesa.
Ang gara. Bakit kelangang sa tapat ni Ni umupo 'tong Frank na 'to? Tapos nginisian pa niya ako nang patago! Aba, bwiset. Talagang nananadya 'to, ah?
***
Natapos kaming kumain. Halos mawalan nga ako ng gana kanina. Paanong hindi e yung magaling kong biyenan, kung anu-ano ang pinagsasasabi. Parang pinamumukha niya talaga niya ayaw niya sa'kin. Kung ikwento niya yung dating relasyon ni Marley at ni Frank, parang pinaglalaban niyang mas bagay sila at mas maganda 'yon para sa kanila. E hindi ba niya maintindihan na ako ang gusto at mahal ng anak niya? Kasura naman kasi eh. Kung makaasta, akala naman niya mag-boypren girlpren pa rin kami ng anak niya. E kasal na kaya kami. Hay nako. Ewan. Buti talaga at nagka-anak kami agad nitong asawa ko. Atleast, makita niyang may maganda akong nadulot sa anak niya. Lola's girl and boy kasi yung mga anak namin. Spoil na spoil sa biyenan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/29436038-288-k938058.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Ficción General[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...