31- For the Kids

1.8K 28 0
                                        

3rd and last update for today. Be right back... uhm... maybe Friday or weekend.

31: For the Kids

-NI-

"Mama, Dada?" tanong ni Theana na hinahanap ulit ang daddy niya. Hindi ko ka na nabilang kung pang-ilang ulit na nilang tinanong 'yon simula nang napunta kami rito. "Pyey Dada! Pyey!"

"Coco Kanch! Coco Kanch!" bulalas naman ni Marki. "Dada, Coco Kanch!"

Napahinga ako nang malalim. Binabagabag talaga ako ng konsensya ko sa tuwing nakikita ko ang mga anak ko. Bakit kailangang pati sila ay madamay?

Ngayon, hindi nalang sila dalawa, kundi tatlo. Nadagdagan pa ng isang buhay sa sinapupunan ko-- buhay na pwedeng pwede ko lang masira.

Wala pa rin akong pinagsasabihan sa pagbubuntis ko. Tanging si Daddy Rodrigo lang ang nakakaalam ng kalagayan ko. Nagsumamo pa ako sa kanya na huwag ipapaalam sa kahit kanino lalong lalo na kay Trey. Hindi pa kasi ako handa. Baka palalain ko lang ang sitwasyon kung ilalabas ko na 'to... saka nalang siguro kapag napag-isipan ko at handa na ako... saka na kapag mas maayos na ang mga bagay-bagay.

"Mamaaa!" Nakasimangot na ang anak ko na kanina ko pa yata hindi pinapansin. Paiyak na rin si Theana. "Dadaa? Lab lab dada!"

"Eeeh! Coco Kanch! Coco Kanch!" iyak naman ni Marki.

Napakamot nalang ako sa ulo. Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa kakulitan nilang dalawa. Ang dami ko na ngang iniisip sumasabay pa ang kakulitan nila.

"Mama!" Lumakas nang lumakas ang pagtawag nila sa'kin pati na ang pag-iyak nila. Nag-aaway din silang dalawa at gumagawa ng malalakas at nakakarinding ingay.

"Ano ba naman kayo? Tumahimik na muna kayo sandali, oh!" Hindi ako nakapagtimpi kaya napalakas ang boses ko sa kanila na ikinatakot yata nila.

Mas lumakas ang pag-iyak ng dalawa. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko. Nagsisi ako bigla sa pagsigaw ko. Dinadamay ko sila lalo sa problema ko, at alam kong mali iyon.

"Waway Mama! Bad bad!" iyak nilang dalawa habang nagpapapadyak pa.

"Ssh, baby, sshh. Sorry na." Pinatahan ko sila pero ayaw nipang tumigil sa kaiiyak. "Theana, Marki, hindi sinasadya ni Mommy. I'm sorry."

Pumasok na sa kwarto si Mama. Narinig niya yata ang ingay ng dalawa. "O? Bakit kayo umiiyak? Nako, ang pupula niyo na masyado, oh. Ssh, tahan na." Tinignan niya ako nang masama na para bang sinisisi ako sa pagiging pabaya ko.

"Alam ko naman, Ma, eh. Wala na talaga akong kwentang ina sa kanila." Iyon nalang ang nasabi ko at nagpunta ako saglit sa banyo para ayusin ang sarili ko.

Iniyak ko sa banyo lahat ng hinanakit ko sa buhay. Ayoko na...

***

"Baby Marki? Baby Theana?" Hindi ko natiis ang mga bata. Tahimik na silang nakahiga sa kama at busy mag-bottle feeding. "Bati na tayo? Sorry na si Mommy, oh. Love love ko naman kayo eh. Nabigla lang talaga si Mommy."

Tahimik lang silang nakatitig sa'kin at nakikinig. Innocence... laking pasasalamat ko at namamayani pa sa kanila iyon ngayon, kundi, tiyak na mas nahihirapan at mas nasasaktan na sila kaysa sa'kin.

"Love na tayo ulit, ha? Kayo nalang ang meron si Mommy, eh. I love you." Hinalikan ko silang dalawa. Pinipilit kong itago ang mga luha ko. "Hm, mall tayo, babies? Bili tayo ng Coco Crunch tapos magpi-play tayo. You want?"

"Coco Kanch? Wiee! Coco Kanch!" Bumangon agad si Marki at tumalon-talon sa kama. Nakigaya naman ang kakambal niya.

"Oh, sit down na," utos ko na sinunod nila agad. "Sit lang. Kukuha lang si Mommy ng clothes niyo."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon