34- Accounts

1.7K 25 2
                                        

34: Accounts

-HAN-

"Gail, masakit eh. Sa tagal namin, biglang naging ganito. Naiinis ako sa sarili. Pakiramdam ko napakapabaya ko para hayaan kong mangyari 'to sa pamilya ko." Kinwento ko kay Abigail lahat ng nangyari kahapon. "Ang gago ko. Gagong gago ako sa sarili ko kahapon nang makita ko kung paano umiyak si Marley. Mali talagang pinaabot ko sa puntong to eh. Tama siya na dapat nung una palang hindi ko na pinairal yung pride ko. Nagsisisi na talaga ako."

Huminga nang malalim si Abigail n para bang naipapasa ko rin sa kanya ang stress na nararamdaman ko.

"Tapos hindi ko alam kung bakit niya nasasabing wala akong pakialam at wala akong ginagawa sa kabila ng lahat. Naisip ko na nga ring baka tinatago 'yon ng Mama niya kaya wala siyang alam." Nainis ako bigla. "Isa pa kasi 'yon eh. Hindi ko alam kung ano ang problema nun sa'kin."

"Her mom? You think she did it?"

"Ewan, pero siguro. Sa kanya ko naman lang laging pinapadaan yung mga binibigay ko eh. Siya lang din yung laging kausap ko." Huminga ako nang malalim. "Akala siguro ni Marley busy talaga akong mambabae."

"Huh? What? Mambabae? Oh, don't tell me pati ako..."

"Ikaw nga yata yung pinagseselosan."

"Huh? But we're not..."

"Hindi nga. Siguro nakita niya tayo nung namimili tayo ng para sa kanila kaya masama ang inisip niya," kwento ko pa kay Abigail. "Nagselos kaya ayun, galit yata."

Nalungkot ang mukha niya. "Huh? I am sorry, then. Sabi ko na eh. I should not continue living here. Hindi ako nakakatulong. In fact, I've been making things worse."

"Ah, hindi naman, Gail," sabi ko agad. "Wala ka namang kasalanan. Hindi lang kami nagkaintindihan."

"No, Trey. Feeling ko, ang malas malas ko. Since I came here, lahat nalang ng nababalitaan ko ay puro bad news," sabi nya na halatang nakokonsensya.

Natawa tuloy ako sa kanya. "Hindi nga sabi eh. Wag ka nang mag-alala."

"Okay okay. Pero let me talk to her. Aayusin ko lahat. Nakokonsensya ako, I don't know why. Nagkausap na kami dati pero galit siya ngayon. I will settle things."

Magsasalita palang ako nang tumunog ang celphone ko. Inasahan kong si Marley na iyon perp hindi naman. Ang magaling ko lang palang ama ang tumatawag. Ayaw ko sanang sagutin 'yon pero sa kung anong hindi ko alam na dahilan ay sinagot ko pa rin. Lumayo ako kay Abigail nang konti.

"What? Ano na naman?" inis kong bungad.

"Anak, pwede ba tayong mag-usap?"

Kokontra sana ako kaso natigilan ako sa sunod kong narinig.

"Tungkol 'to sa inyo ng asawa mo. Nalaman ko yung nangyari kahapon. May sasabihin akong mahalaga sa'yo... baka makatulong."

"Tungkol kay Marley? Sige. Saan?"

Shit. Wala nang pride pride maayos ko lang ang pamilya ko.

-NI-

"Ano, besty, okay ka na?" tanong agad ni Paris nang magising ako. Nag-aalala siyasa'kin. Buti pa siya nasa tabi ko. Buti pa siya hindi ako iniiwan.

Nasa bahay na ako. Kakauwi ko lang kanina galing sa ospital. Pinilit kong tumango kahit hindi pa maganda ang pakiramdam ko.

"Besty, gusto mo puntahan ko na si Trey?" tanong ulit niya tapos hinawakan yung kamay ko. "Marley, buntis ka eh. May karapatang malaman yon ng asawa mo. I am sure na magkakaayos na kayo."

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon