4- Threat

3.1K 32 3
                                        

4: Threat

-HAN-

Isa na talaga sa paborito kong araw sa trabaho ay yung ganitong kuhaan ng sweldo. Kaya naman pagkaalis ko ng opisina, dumiretso agad ako sa isang convenience store bago umuwi. Bibilhan ko muna ng konting pasalubong yung mag-iina ko.

Sayang saya ako sa pagkuha ng malalaking kahon ng Koko Crunch para sa kambal ko nang may humawak sa balikat ko. Medyo nagulat pa ako nang kaunti pero nawala naman 'yon nang makita kong nanay ko pala 'yon. Namimili rin daw siya ng ipapasalubong sa mga anak ko kasi balak pala niyang bumisita ngayon.

"A, sabay ka nalang sa'kin, My," sabi ko sa kanya kahit medyo nag-aalangan akong papuntahin siya sa bahay. Pareho kasi sila ng nanay ni Marley. Yung nanay ni Marley, ayaw sa'kin. Ito namang nanay ko, kahit hindi palasalita, alam kong ayaw din niya sa napangasawa ko. Nung unang beses na pinakilala ko si Marley, akala ko okay lang sa kanya, tapos nung sinabi naming magpapakasal na kami, bigla naman niya akong sinigawan pagkaalis ni Marley. Pero mabuti nalang talaga at pareho silang okay sa mga anak namin. 

Binayaran namin yung mga pinamili namin at saka sabay nga na pumunta sa bahay namin.

Pagkarating namin, naabutan namin sina Theana at Marki at abala sa paglalaro sa playpen nila. Nang makita kami, bigla nalang silang tumayo at halos magtatatalon para kunin ko.

Kagaya ng dati, natutuwa ko silang kinargang dalawa at hinalik-halikan. Kapag ganito lagi ang eksena, pakiramdam ko sulit na sulit talaga yung walong oras na trabaho ko.

"May pasalubong si Dada!" Binaba ko sila ulit sa playpen tapos kinuha ko yung dalawang malalaking boxes ng cereal food nila at winave sa harapan nila. Awtomatiko naman silang nagtatatalon ulit sa saya at pilit na inabot yung pasalubong ko. "Ito kay Theana, at ito naman kay Marki." Inabot ko na 'yon sa kanila kaya naman yun na ang inatupag nila.

Nang makita ko si My na tahimik na nanonood sa amin, dun ko lang siya naalala. Sinabihan ko yung mga anak ko na nandoon yung lola nila, pero dahil nga busy na sila sa pasalubong ko, deadma na kami ni Mama.

Teka, asan na ba yung asawa ko? Nung maalala ko si Marley, saktong nagtanong din si Mommy kung nasan si Ni. Nilibot ko yung tingin ko sa buong bahay, at nakita kong nakabukas yung ilaw sa kusina. Malamang naghuhugas siya ngayon, o nagluluto, o naglilinis ng kusina. Pero nakakapanibago naman yata. Hindi ba niya kami narinig o napansin na dumating na? A, baka busy lang o kaya pagod na.

"A, My, upo ka muna. Puntahan ko lang asawa ko," sabi ko kay Mama at lumakad na pa-kusina.

Nung malapit na ako, bigla akong nakarinig ng tunog ng kung anong nabasag. Nagkatinginan kami ni Mama saglit at nakita ko yung itsura niyang hindi makapaniwalan at parang naiinis. Pero hindi ko nalang siya pinansin. Nagmadali akong pumunta sa asawa ko.

Dalawang plato pa yata ang nabasag ni Marley. Nakita ko 'yon sa sahig habang pinupulot niya. Lumapit naman ako at tinulungan siya. Kapansin-pansin ding parang hindi siya mapakali. Kukunin ko rin yung nalaglag niyang celphone pero mabilis niya akong inunahan. Medyo nanginginig pa siya at parang tensyonado. Tapos bumalik ulit yung atensyon namin sa basag na mga plato.

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon