Sorry about the subtitle. I suck thinking of a better one.
18: Better
-HAN-
Madilim sa bahay ni Mommy pagkauwi ko. Gabing gabi na rin kasi. Malamang tulog na siya. Pero gusto ko siyang makausap ngayon na. Hinatid ko muna kanina si Marley at Theana sa ospital kasi gusto raw niyang doon matulog kasama si Marki, tapos ako naman ay nagpaalam na may naiwan sa bahay, pero dumiretso naman talaga ako rito.
Nag-doorbell ako ng isang beses. Hindi kasi ako tiyak maririnig kung tatawag lang ako mula rito. May kalakihan din kasi itong bahay namin. Di nga nagtagal, bumukas ang pintuan at lumabas doon si Ate Pinky. Mayordoma siya ni Mommy. Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa'min, kaya saksi siya sa paglaki ko at pati na sa pagkasira ng buhay namin.
"O, Trey, gabi na ah?" nag-aalala niyang tanong sa'kin. Mag-a-alas dyis na kasi tapos nandito ako't kumakatok sa kanila. "May problema ka ba? May kailangan ka ba?"
"Si Mommy po?" tanong ko.
"Ha? Ah eh malamang tulog na yun. Bakit?" tanong niya habang pinagbubuksan na ko ng pintuan.
Pumasok ako sa loob. "Kakausapin ko lang, Ate Pinky."
Hindi ko na siya pinansin. Pinabayaan naman niya kong umakyat sa taas. Dito ay tinahak ko yung papunta sa bedroom ni Mommy. Malaki-laki rin itong bahay namin. Buti talaga at naipundar pa ng magaling kong tatay bago man lang siya umalis. Ts.
Hindi pa naman pala yata tulog ang Mommy. Mula sa nakauwang na pinto ng kwarto niya ay kita kong bukas pa ang ilaw niya. Gising pa nga siya, kaya naman nagtuloy na ko roon.
Nagulat pa siya nang makita ako. "O, Trey? You're here." Tumayo siya at nilapitan ako. She's about to kiss me pero umatras ako. "Oh? So, ano'ng problema?"
Tinignan ko siya nang masama. "Ayoko hong ulitin niyo pa yung ginawa niyo kanina, Mommy."
"What about a while ago? Ah, I see." She smirked. "Ano, yung asawa mo pa ang nakuhang magsumbong?"
"No, Mom. Nevermind where I got the info. Ang mahalaga, nalaman ko yun, and aftee what I knew, I want you to stop now. Stop treating my wife that way, at wag mo na ring patulan si Mama Marlene," ang sabi ko kay Mommy.
Tumawa lang siya. "Ang husay din naman talaga ng asawa mo, ano? Mana talaga siya sa nanay niya." Bumalik siya sa pagkaka-upo sa kama. "Trey, anak, ayoko lang naman na pinagmumukha kang tanga ng asawa mo eh. Ayokong ginagawa niya sa'yo yung ginagawa ng--ugh--ng walang kwentang Rodrigo na 'yon Ayokong dumating yung punto na maiwan ka rin kagaya ko. Lalaki ka pa, anak. Ayokong ikaw pa yung nakukuhang ganyanin ng asawa mo."
Nakuha niya ang atensyon ko. What the hell os she talking about?
Nabasa niya ata ang nasa isip ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I caught her with a guy a while ago in your son's room at the hospital. Yung lalaki na rin ang nagsabi na mag-ex sila. Goodness, Trey! Mag-ex daw sila pero kung makadikit sila sa isa't isa ganun nalang? Ayokong isipin, pero they were proving na tama ang marumi kong iniisip sa kanila."
Hindi ko nagugustuhan ang mga naririnig ko. How could my mom tell such things? "Mommy, mas ayoko pong sinisiraan niyo ang asawa ko," mariin kong salita sa kanya.
"What? Hindi ko siya sinisiraan! I'm just telling the truth here," paninindigan ni Mommy. "Why not ask her? Alam ko namang hindi niya itatanggi 'yon."
Ay naman. "Fine. Kung magkasama man sila kanina, ano naman? It doesn't mean na ganun agad, mom. Hindi porke't magkasama sila e may something na agad. Don't jump into conclusions, Mommy. Im sure na dumadalaw lang yung tao." Oo, tama. Hindi ako naniniwala kay Mommy. Kung totoo man 'yong sinabi niya, alam kong dumadalaw lang yung tao. Kahit ako naman siguro at mabalitaan kong nagkasakit nang ganon ang anak ng ex ko, baka dumalaw din ako.
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Ficção Geral[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...